35

14.2K 460 58
                                    




Unedited...










"Tatay!" masiglang bati ni Kaitlyn nang lumabas sa bahay.

"Hey, baby. Are you ready?" nakangiting tanong ni Ace.

"Yes po. Punta tayo sa dentist?" inosentang tanong ng anak habang nakatingala kay Ace.

"Yes. Don't cry ha," bilin niya.

"I won't," sagot ng anak sabay iling.

"Ingat kayo," bilin ni Kate na nakisabay na sa asawa na umuwi.

"Sama ka," ani Ace.

"Ha? Wag na."

"Oh, please. Samahan mo na ang anak natin dahil baka mamaya umiyak 'yan, hindi ko alam ang gagawin."

"Sama ka na, nanay. Please," pakiusap ni Kaitlyn kaya napilitan si Kate na sumama. Iniwan na muna niya ang gamit saka nagpalit ng damit.

"Saan ba banda ang dentist niya?"

"Sa Iloilo Doctor's hospital," sagot ni Ace na nagmamaneho.

"Tatay? Can I eat candies?" tanong ni Kaitlyn nang makita ang mga kendi sa unahan ng sasakyan. Sadyang nag-iiwan si Ace ng candies para kay Kaitlyn dito.

"Later, ah. Papatingin muna tayo sa dentist," sabi ni Kate.

"Hmm? But I want candies," nakalabing sabi ng bata.

"Later, baby. After ng check-up mo, sa 'yo na 'yan lahat, okay?" sabat ni Ace na double ingat sa pagmaneho lalo na't kasama niya ang mag-ina.

"Okay po. I'll eat it later," pagpayag ni Kaitlyn.

Pagdating sa Iloilo Doctor's hospital, pumasok sila sa maliit na clinic katabi ng emergency department.

"Dito ba yung dentist?" tanong ni Kate.

"He's from Manila so binigyan lang siya ng maliit na space rito dahil two days lang naman sila ng team niya. It's free consultation kasi medicak mission nila," paliwanag ni Ace.

"Ah, ganoon ba?" ani Kate saka naupo at kinalong ang anak.

"Ace, pare!" masiglang bati ni Hector nang lumabas sa kurtinang nakatakip sa examination room nila. "Oh, hi. You might be Kate," bati nito nang mapansin ang kasama ni Ace.

"Hello," bati ni Kate at nginitian ito.

"Uy, ito na ba ang panganay mo?" nakangiting tanong ni Hector at napatingin kay Kaitlyn. "Ang ganda niya ah. Kamukhang-kamukha ni Tita Anika."

"Gawin mo na ang trabaho mo," utos ni Ace na hindi na itinama ang sinabi ni Hector dahil kaunting panahon na lang, malalaman na niya ang katotohanan.

"Sure. Baby, what's your name?" tanong ni Hector.

"Kaitlyn po," sagot ng bata.

"Sama ka kay Tito," sabi ni Hector. "Pero kailangan ko ang isa sa inyo dahil baka umiyak ang babygirl ninyo."

"Ako na," sabi ni Ace. "Asawa ko, dito ka muna ha. Wait mo lang kami ng anak natin."

"Sure ka? Ako na," ani Kate.

"No, ako na. Dito ka lang. Manood ka ng video sa phone mo if you want."

"Okay," pagpayag ni Kate. Nahihiya rin kasi siyang sumama dahil baka may magawa siyang mali sa harap ng kaibigan ni Hector.

Pumasok na ang mag-ama sa examination room.

"Dude, hindi na kailangan ng DNA test," sabi ni Hector. "Arguela na Arguela 'to eh."

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon