22

12.3K 351 25
                                    




A/n:




Uy😂😂😂











Unedited....









"Manang, bisitahin ko lang ang pinsan ko mamayang gabi ha," paalam ni Celine habang naghihintay sila na inaayusan si Kaitlyn sa classroom nito.

"Sure. After nitong coronation pwede ka nang umalis," pagpayag ni Kate. Friday ngayon at dahil coronation day ng anak ay pinayagan siya ni Ace na mag-absent.

"Thank you, manang."

"Kamusta na siya?"

"She's fine. Nasa recovering stage na raw siya sabi ni doc. Nagre-respond na siya at naimulat ang mga mata kahapon pero medyo disoriented pa," sagot ni Celine. "Kung hindi dahil sa inyo ni Sir Ace, hindi mailigtas ang kapatid ko kaya utang na loob namin sa inyo ang buhay ng pinsan ko."

"Wag mong isipin 'yan. Pera naman ni Ace iyon kaya sa kanya ka magpasalamat."

"Pero dahil sa 'yo kaya niya kami tinulungan," sabi ni Celine at napatingin kay Kaitlyn. "Sobrang ganda talaga ng alaga ko, parang manika."

"Nanay, am I pretty?" tanong ni Kaitlyn at napapikit nang sabihin ng makeup artist.

"Super," sagot ni Kate. Sobrang swerte talaga niya sa anak niya kahit na malas siya sa ama nito.

"Nako, sobrang ganda talaga ng barbie na 'to," sabi ng bakla na nag-aayos ng buhok ni Kaitlyn.

"Hindi naman masisira ang hairstyle niya kapag magpalit siya ng damit?" tanong ni Celine.

"Hindi," sagot ng makeup artist.

"Nakabotunes ang bestida niya at sa baba naman siya magsuot ng gown kaya hindi na magagalaw ang buhok niya ah," sabi ni Kate.

"Ay, oo nga pala."

"There! I made her a barbie na talaga," sobrang saya na sabi ng bakla. "Bihis na ng gown, babygirl."

Ang pink gown ang pinasuot kay Kaitlyn na bigay ni Niel. Kung sya ang papiliin, gusto sana niya ang bigay ni Ace pero syempre si Niel pa rin ang ama.

"Wow! Bongga! Para kang totoong princess!" sabi nito. Kung sabagay, princess naman talaga. Milyon ba naman ang ipusta ng pamilya nito, sino ang hindi mapanganga. At ang ball gown nito ay kumikinang sa mamahaling beads na inilagay.

"Mag-start na raw ang program. Nandoon na ang lahat," sabi ng gurong pumasok saka manghang tinitigan si Kaitlyn. "Grabe, sobrang ganda naman niya. Papasa to na anak ng disney princess."

Ngingiti-ngiti lang si Kate pero hindi niya mapigilan ang sariling maging proud. Ikaw ba naman ang ina na puriin ng mga nasa palibot ang anak mo. Alam naman niya na hindi siya ini-etchus lang ng mga ito.

"Okay, baby. Are you ready?" masiglang tanong niya.

"Yes, nanay. I'm ready!" masiglang sabi ni Kaitlyn saka tumayo at sabay ba silang lumabas.

Pumila sila sa likod para ready na mag-martsa.

"Tatay!" tili ni Kaitlyn nang makita si Ace na palapit sa kanila.

"Hey, my princess!" nakangiting bati ni Ace.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Kate. "Akala ko ba may meeting ka ngayon?"

"I don't wanna miss the special day of my princess," sagot ni Ace na may pagmamalaking nakaukit sa mga mata.

"Uy, dali na. Ikaw na ang next," sabi ni Celine kay Kaitlyn kaya humanda na ang bata kasama ang escort nito.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon