40

14.2K 426 36
                                    






Unedited...







"Good morning, Boss!" bati ng ilang security guards nang bumaba sila sa helipad ng bahay.

"Morning. Pakikuha ng mga gamit ng mag-ina ko," sagot ni Ace saka inalalayan si Kate na bumaba ng chopper kasama sina Kaitlyn at Tatay Ambo. Susunod na lang daw si Celine dahil may inaasikaso pa ito sa Iloilo.

"Yes, boss."

Medyo nailang si Kate sa mga tauhan ni Ace. Masyado itong pormal at feeling niya ay nasa pelikula lang siya na hari ang napangasawa dahil ang daming bodyguards.

"Tatay Ambo, hayaan mo na ho silang magdala ng mga gamit ninyo. Hali na ho kayo," yaya ni Ace at binuhat si Kaitlyn saka pumasok sa mansion.

Bungad pa lang ay nalulula na si Kate sa sobrang laki at lawak.

"Ito ba ang bahay ng parents mo?" tanong niya.

"Bahay ko," sagot ni Ace. Iba ang bahay nila. Mas gusto ko kasi ng privacy. Pinasimulan ko ito lastyear at ngayon lang natapos. Sakto.

"Sobrang laki naman."

"Sakto lang para sa pamilya natin," sabi ni Ace at pinindot ang elevator para bumaba sila. "Kain muna tayo."

Kahit si Mang Ambo ay nanliliit sa sobrang laki ng bahay.

Pagbukas ng elevator, agad na yumuko ang apat na katulong sa kanila para bumati.

"Good morning, madam," bati ng mga ito kaya napanganga si Kate.

"Morning. Wag na ho kayong yumuko," pakiusap ni Kate. Kung tutuusin, magka-level lang naman sila ng mga ito. Baka mas mayaman pa nga sila kaysa sa kanya. Dalawang medyo may edad na babae at dalawa ring medyo bata pa na sa tingin niya ay matanda lang ng ilang taon sa kanya.

"Nakahanda na ho ba ang pagkain?" tanong ni Ace.

"Yes, boss. Nakahanda na ho," sagot ng mayordoma.

"Tatay? I'm hungry," nakatingalang sabi ni Kaitlyn.

"Sige, baby. Kain na tayo. But wait muna natin sina grandma at grandpa, okay?" sagot ni Ace.

"Hello, people!" masiglang bati ni Kristina na may dalang paperbags.

"Grandma!" masiglang wika ni Kaitlyn kaya ibinaba ni Ace. Tumakbo ito palapit kina Kristina at Anika. "I miss you po."

"We miss you too," masayang sabi ni Anika at niyakap ang apo.

"Nako, mabuti at pumayag kayong dito na manirahan. Sa wakas may apo na akong nasa malapit," masayang sabi ni Kristina.

"Sina Lolo at Daddy?" tanong ni Ace.

"May meeting sila kaya hindi makadalo," sagot ni Anika.  "Alam mo naman si Chris, todo trabaho rin."

"Let's eat na, guys. Baka nagutom na sina Kate," yaya ni Kristina kaya tumungo sila sa dinning room.

Tahimik lang si Kate pero napangiwi siya nang makita ang napakalaki at lapad na dining table. Paikot pa ang pagkain na parang nasa mamahaling restaurant lang sila. Ang dami pa ng upuan kaya kung sila lang nina Ace ay baka magsigawan sila habang nag-uusap kapag mag-end to end sila kung kumain.

Nagsimula na silang kumain habang nagkukwentuhan. Magkalapit lang silang naupo para magkaintindihan sila. Hindi naman na-OP sina Mang Ambo at Kate dahil sinasama naman sila sa usapan.

"Hija, may dala pala akong damit na ako mismo ang nag-design. Sana magustuhan mo," masayang sabi ni Anika.

"Salamat po, Ma'am."

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon