Unedited....
Nasa tapat na siya ng condo building nila nang makita niya si Ace na nakatayo sa Entrance habang nakapamulsa na halatang hinihintay siya.
"Bakit ka lumabas?" bungad ni Ace na napatingin kay Niel na palabas sa coffee shop na nilabasan din ng asawa.
"May kinausap lang."
"Si Niel," hindi patanong pero siguradong sabi ni Ace.
"Wala na ba akong karapatang makipag-usap sa gusto kong makausap?"
"Wala naman akong sinabi. Ang akin lang ay iwasan mo sana ang nakakapag-stress sa 'yo," mahinahong paliwanag ni Ace pero nilagpasan siya ni Kate kaya sinundan niya ito hanggang sa pumasok sila sa elevator.
"May binili pala akong ulam, ibinigay ko na kay Celine,"
"Thanks," tanging nasabi niya. Nang bumukas ang elevator, nauna siyang lumabas pero nahawakan siya ni Ace sa kanang kamay at hinila palapit sa unit nito. "Ace."
"Gusto lang kitang masolo, Kate. Kahit saglit lang," sabi ni Ace saka binuksan ang pinto at nang makapasok ay agad niyang isinara.
"Hinihintay na ako ni Kaitlyn," sabi ni Kate pero niyakap siya ni Ace nang mahigpit kaya hindi siya makagalaw.
"Saglit lang. Payakap lang ako, asawa ko," bulong ni Ace kaya napapikit si Kate at niyakap din ang asawa. "Umalis na tayo rito sa Iloilo, Kate."
Marahang tinulak ni Kate si Ace at lumayo rito.
"Hindi ko kayang iwan ang tatay ko," sagot niya.
"Kakausapin ko si Tatay Ambo," sagot ni Ace. "Ayaw mo bang umalis dito? Kate, wag ka nang lumingon pa sa kanila, ako ang tunay na ama ni Kaitlyn. Tayo ang tunay na magpamilya."
"Pag-isipan ko. Sa ngayon, nahihirapan pa akong magdesisyon. Kailangan ko ng pahinga."
"I understand," sabi ni Ace at hinila ang kamay ng asawa saka naupo sa sofa at pinaupo ito sa kandungan niya. "Mahal kita, Kate. Gusto ko lang na umiwas tayo," bulong ni Ace at hinalikan sa batok ang asawa.
"Iyon din ang gusto ko, Ace. Gusto ko na ring magpakalayo para makalimutan ang lahat. Kung pwede nga lang, wag na kaming magkita pa," sagot ni Kate na ang tinutukoy ay sina Rhea at Niel.
"Ilalayo ko kayo. Ako ang bahala sa tatay mo ha," bulong ni Ace saka hinawi ang buhok ng asawa at masuyong hinalikan sa leeg. "I love you, asawa ko."
Humarap si Kate at sinalubong ang mga mata ni Ace. Sa kaibuturan ng kanyang puso, labis siyang natutuwa na si Ace ang ama ni Kaitlyn. Parang nasa pelikula lang ang buhay nilang mag-ina. Kung panaginip man ang lahat ng ito, sana ay wag na siyang magising.
"Kiss me," bulong ni Ace kaya tila nagising si Kate mula sa mahimbing na pagtutulog. "Kiss me, Kate."
"Inuutusan mo ba ako, Ace?" nakataas ang kanang kilay na tanong niya.
"Gusto ko lang maramdaman na ikaw naman ang unang nag-initiate," sagot ni Ace sabay higit sa bewang ng asawa. "Ayaw mo ba?"
Iniyakap ni Kate ang mga kamay sa leeg ng asawa at yumuko para halikan ang mga labi nito na agad namang sinalubong ng mga labi ni Ace at mapusok na tinugon ang mga halik niya.
Napapikit si Kate para lasapin ang mainit na halik ng asawa.
Maingat na pinahiga siya ni Ace sa sofa. Bumaba ang halik nito sa leeg patungo sa dibdib ng asawa kaya napaliyad si Kate at napayakap sa ulo ni Ace.
Hindi niya maintindihan ang naramdaman pero nag-iinit siya. Double ang kuryenteng gumagapang sa kanya ngayon kaysa sa mga nauna nilang pagniniig ni Ace. She wants more. Nai-excite siya sa mga susunod na mangyari. She's longing for his touch.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...