Bago nyo simulang basahin ang chapter na ito, gusto ko lang sabihin na tigilan nyo kakadamay sa pinsan ni Celine na may sakit. Wala lang talaga akong maisip kung paano mapalayas si Celine sa bahay at nang makadiskarte si Ace kay Kate. Hahahaha! Pero thank you, guys. Love you.
Unedited...
"Sure ako na si Ace ang kasama niya," sabi ni Rhea na muling tiningnan ang CCTV. "Pero bakit wala naman siyang hikaw?"
Muli niyang ini-zoom ang sa tainga ni Kate. Wala talaga siyang suot.
"Just a necklace," usal niya at napakunot ang noo. "Wait," aniya saka pina-fast forward hanggang sa lumabas si Ace. Gusto sana niyang i-skip nang makita ang sariling kasama si Niel. Halatang galit ito sa kanya sa video at tinulak pa siya nito sa wall pero sa bandang huli ay pinakawalan din siya at pumasok ito sa silid na kung saan ay nasa loob si Kate. Hindi ito ang kwarto na pina-reserve ni Niel para sa kanila ni Kate. Dahil sa pagmanipula ni Rhea sa reception kaya ang susi ng sa katapat na kwarto ang binigay ng receptionist kay Kate at ito na nga ang pinasukan niya. Nakonsensya siya at nag-alala nang magmadaling araw na ay hindi pa rin lumalabas si Kate. Natakot siya na baka may masamang nangyari dito lalo na't nagmamadaling lumabas si Ace kahit madaling araw pa lang.
Pina-fast forward niya ang video hanggang sa makitang nagmamadaling lumabas si Kate. Pin-pause niya at muling ini-zoom but this time, sa leeg na. Wala na itong suot na hikaw.
"Hindi siya basta-basta maloko," bulong ni Rhea saka kinuha ang USB saka bumalik sa opisina.
"Saan ka galing?" tanong ni Niel na palabas na sana sa opisina nila.
"Nagpahangin lang. Bakit nandito ka?" tanong niya.
"Gusto ko lang ibigay ang pansit molo," sagot ng binata. "Mainit-init pa 'yan kaya kainin mo na."
"Hindi ako nagugutom."
"Kailangan mong kumain ng masustansya para sa nasa sinapupunan mo. Hindi lang ikaw ang nagmamay-ari ng katawan mo ngayon, dalawa na kayo."
"Bakit ba parang concern ka?"
"Anak ko pa rin 'yan, Rhea!"
"Pero mas inuuna mo pa rin si Kaitlyn kaysa sa anak natin."
"They're innocent," ani Niel.
"I know pero unfair mo pa rin."
"Gusto ko lang bumawi sa kanilang mag-ina."
"Paano naman kami?"
"Rhea, mahalaga rin kayo, okay? Kayo ang tunay kong pamilya. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Just give me more time, okay? But don't worry, anytime ay nandito ako para sa baby natin."
"Paano kung gusto ko pati ako kasama?"
"Please, I need more time," ulit ni Niel. "Nakapaghintay ka naman nang matagal, 'di ba? Naguguluhan pa ako."
"Magre-resign ako," sabi ni Rhea kaya nagulats si Niel. "Tutal may anak na rin naman ako sa 'yo, time na siguro para magtrabaho ako sa sariling kompanya namin. My dad needs me," ani Rhea. "Pero kapag dumating ang araw na kailangan mo na kami at handa kang panagutan ako, nandito pa rin ako. Wag lang matagal, Niel. Hindi ko na kayang maghintay. Gusto ko nang mag-focus sa anak natin."
"Thank you sa pag-unawa, Rhea. Hindi kita pabayaan, promise," pangako niya at lumabas. Litong-lito na siya. Ang dami niyang plano para sa kanila ni Kate at gusto niyang tuparin iyon pero biglang nagkaroon na naman ng balakid at as usual, si Rhea na naman.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...