21

11.9K 387 41
                                    



A/n:



Thankful ako sa mga nagpatuloy na nagbasa nito after ng siguro chapter 1-10.














Unedited...






"I will marry you," napapisik si Ace. Nakaidlip pala siya at tila isang panaginip na bumalik sa kanya ang ilang eksena sa nakaraan. "I can't..." usal niya at tumayo saka uminom ng tubig.

"Sir," tawag ni Kate nang pumasok. "Okay ka lang?"

"Oo naman. Why?" tanong ni Ace na lumapit sa asawa.

"Namumutla ka."

"Nakaidlip lang ako," sagot ni Ace at hinapit sa bewang ang asawa. "Nag-merienda na ba ang asawa ko?"

"Hindi pa. Ikaw ba?"

"Hindi rin. Sabay na tayo."

"Ano ba ang gusto mong i-merienda?" tanong ng dalaga.

"Ikaw," sagot ni Ace.

"Hay nako, Ace."

"What?"

"Anong what?"

"I can't hear you. What did you just called me."

"Ace."

"What?"

"Haist. Asawa ko," sabi ni Kate.

"Good girl," sabi ni Ace sabay halik sa labi ng asawa. "Oorder lang ako ha."

"Okay. Gusto mo ako na ang bumili?"

"Wag na. Si Marco na lang."

"Wala naman akong gagawin. Sige na, may bibilhin lang ako sa labas."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Sige. Make sure na hindi ka mapagod ha."

"Hmm? Hindi ah. Grabe ka. Sige na, bili lang ako. Kapag may kailangan ka, call me, okay?"

"Kailangan kita ngayon," biro ni Ace saka muling hinapit sa bewang ang asawa at hinagkan. "Oh ghad! Do you think we can do it here?"

"H—Ha?" naiilang na tanong niya. Naramdaman niyang biglang uminit ang magkabilang pisngi dahil sa sinabi ni Ace. Hindi naman sa pagiging malibog pero na-excite siya bigla.

"I'll make it quick, asawa ko," malanding sabi ni Ace na nakatitig sa magandang mukha ng asawa. Yumuko siya para muling hagkan ang mga labi ni Kate.

"Boss—"

Napatigil si Ace nang biglang pumasok si Marco. Tila nanigas din ang buong katawan ni Kate na gusto na lang maging istatwa.

"S—Sorry, boss." naiilang na paumanhin ni Marco dahil mali ata ang timing niya.

"What the fuck, Marco! Hindi ka ba marunong kumatok?"

"I did boss," depensa ni Marco.

"A—Alis na ako. Kapag may ipabili kayo, tawagan nyo lang ako," paalam ni Kate at walang lingong lumabas.

"Boss, sorry na," paumanhin ni Marco. Minsan na nga lang lumandi ang boss niya, naging istorbo pa siya.

Naiinis na naupo si Ace sa swivel chair niya at hinarap ang assistant.

"Bakit? Anong kailangan mo?" salubong pa rin ang kilay na tanong niya.

"Yung sa pinapahanap ninyo sa akin, boss."

"Ano? Nasaan na siya?" bulalas ni Ace na biglang kinabahan.

"Hindi ko pa rin ho mahanap." Napaatras siya nang malakas na hinampas ni Ace ang mesa.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon