Unedited....
"Kailangan ba talagang sabay tayo pumasok?" tanong ni Kate nang tumigil ang sasakyan.
"Syempre. Mag-asawa tayo e."
"Hmm? One week na akong nagtatrabaho pero wala pa akong kaibigan dahil nahihiya silang lumapit sa akin."
"Bakit naman? Baka hindi ka talaga palakaibigan."
"Kasi alam nilang close tayo. Aminin mo, sinabi mong mag-asawa tayo, ano?"
"Hindi ah," tanggi ni Ace.
"Masyado ka kasing obvious!" sabi ni Kate sabay irap kay Ace. "Lapit ka nang lapit." Tinanggal niya ang seatbelt.
"Eh? Wala namang masama," depensa ni Ace saka mabilis na umikot saka pinagbuksan ng pinto ang asawa. "Asawa ko, sabay tayo mag-lunch ha."
"Mind your own business," ani Kate saka pumasok sa building.
"Morning, sir," bati ng mga empleyadong nag-aabang sa elevator.
"Morning," bati rin ni Ace.
Nang bumukas, pumasok sila pero biglang nakaramdam ng hiya nang makitang nakatayo si Ace sa tapat nito.
Nang pumasok si Kate, pumasok din si Ace para sumabay sa kanila.
"Bakit nandito ka?" bulong ni Kate.
"Eh dito ka sumakay eh," sagot ni Ace. "Ayaw mo naman sa kabilang elevator." Napangiwi si Ace nang maramdaman ang pagkurot ng asawa sa kanang hita niya.
Ni halos walang gustong huminga sa loob ng elevator. Kulang na lang ay pagpipindutin nila para tumigil na o bilisan pa ang pag-akyat nito.
"By the way," ani Ace. Kahit naman magbulungan sila, maririnig din sila ng lahat dahil walang ingay kahit na marami silang nakasakay. "May meeting ako mamayang hapon, kailangan kita."
"Bakit?"
"Alam mo ang lahat ng pwedeng gagawin dahil kabisado mo na ako sa meeting. Wala si Marco, may sakit."
"Wala na bang iba?" tanong niya saka pinandilatan ang asawa.
"Mayroon naman pero siyempre, piliin ko ang pinakaespesyal sa akin," sagot ni Ace kaya sinamaan ni Kate ng tingin ang asawa pero patay-malisya lang ito.
Nang bumukas ang elevator, lumabas na si Kate kasabay ng mga empleyado pero naiwan si Ace dahil sa itaas pa siya.
Habang tinitingnan ang desinyo ng mga designer, napatalumbaba si Kate. Napaka-protective ni Ace sa kanya at hindi rin ito nahihiyang aminin na asawa siya nito.
Dahil sa empleyado, nalaman niyang aloof ito sa mga babae at iilan lang ang kaibigan. Maliban kay Fiona at sa ibang anak ng officemate ni Anika.
"Ma'am," bulong ni Marco nang lapitan siya.
"Yes?"
"Pinapatawag ka ni Boss. Nandoon na raw ang hairdresser."
"Hairdresser?"
"May dadaluhan daw kayong meeting kaya kailangan mong magpalit ng damit," sagot ni Marco.
"As in now na? Akala ko mamaya pa?"
"Ngayon na raw ho," sagot ni Marco kaya napilitang sumama si Kate kahit na ayaw niya sana.
Pagpasok sa silid, pinasuot sa kanya ang white gown at inayos ang kanyang buhok at nilagyan siya ng manipis na makeup. Tama lang para lumitaw ang natural niyang ganda.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...