36

15.3K 504 70
                                    







Unedited...






"Uy, narinig nyo na ba ang balita?" tanong ni Sam nang dumating sa pwesto nila.

"Nakimarites ka na naman sa baba?" tanong ni Winwin.

"Narinig ko lang, ano. Basta." depensa ni Sam.

"Sabihin mo na kasi!" inip na sabi ni Faye.

"Di ba buntis si Ma'am Rhea?" tanong nito.

"Sabi nila," ani Winwin.

"Confirmed!" mahinang sabi nito at palinga-linga dahil baka marinig sila ni Kate. "Saan na si Kate?"

"Nasa baba, kumuha ata ng coffee ni Sir Ace," sagot ni Faye. "Dalian mo na. Ano na? Confirmed ba talaga yung pagbubuntis niya? Paano na sina Kate at ang anak niya?"

"Yun nga, bes. Kawawa talaga si Kate," naaawang sabi ni Sam. "Akala ko nga maayos na nila ni Sir Niel dahil pinupursige siya ni Sir Niel pero biglang may nabuntis naman kaya naging kumplikado na tuloy ang lahat."

"Ako rin," pagsang-ayon ni Winwin. "Umaasa pa naman ako na mabuo na ang pamilya nila. For sure si Ma'am Rhea ang pipiliin ni Sir. Mayaman eh. Tapos noong hindi pa nga Ma'am Rhea buntis, pinili na siya ni Sir Niel. Paano pa kaya ngayong may anak na sila."

"Pero hindi 'yan ang fresh news sa baba," sabi ni Sam. "Nagpasa raw kanina ng resignation letter si Ma'am Rhea."

"Ha? Talaga?" ani Faye.

"Oo. At balita ko hinabol siya ni Sir Niel pero hindi niya pinansin."-Sam.

"Hala. Baka siya na lang ang lalayo. Grabe naman kasi si Sir Niel, playboy." Faye.

"Hindi naman kailangang magtrabaho ni Ma'am Rhea, mayaman sila at may sariling kompanya. Alam naman natin na dito lang siya dahil kay Sir Niel," ani Winwin.

"Uy, tahimik kayo!" bulong ni Sam nang lumabas si Niel sa opisina kasama si Charlotte.

"Dumaan na ba si Ace?" tanong ni Charlotte.

"Hindi pa," sagot ni Sam.

"Okay. Pakisabi na nauna na kami sa conference room," maarteng sabi ni Charlotte.

"Si Kate?" tanong ni Niel.

"Kumuha ho ng coffee kasama si Diane," sagot ni Faye.

Tumango si Niel at sununod kay Charlotte.

"May meeting pala ang mga bosses ngayon," sabi ni Winwin.

"Oo nga. About ata sa improvement ng company at kung may paaalisin or wala. Mga future plans, ganern," ani Sam.

"Sila ba talaga ni Ma'am Charlotte at Sir Ace?" tanong ni Winwin.

"Balita ko," sagot ni Sam. "Sabi may past daw sila kaya naging vice president agad si Ma'am Charlotte."

"Pero parang hindi naman interesado si Sir Ace sa kanya. Tingin ko gusto ni Sir si Kate," ani Sam.

"Hala, pansin mo rin?" bulalas ni Winwin. "Akala ko ako lang. Alam nyo ba, iisang condo lang sila tapos nasa iisang floor. Balita ko sila lang ang nakatira sa itaas ng building nila."

"Oh my ghad! Really? You mean live in sila?" hindi makapaniwalang tanong ni Faye. "True ba?"

"Dalawang unit lang sa last floor ng building at iyon ay pagmamay-ari nina Sir Ace at Madam Tasha pero si Kate raw ang pinatuloy ni Madam Tasha roon kaya kapitbahay sila," sabi ni Sam.

"Hala! Ang haba ng hair ni Kate!" ani Winwin pero agad silang nagbusy-busyhan nang lumabas sa elevator sina Kate at Diane.

"Heto na guys ang coffee ninyo," sabi ni Diane saka inilapag ang dalang kape.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon