Chapter 1

26K 421 37
                                    










Unedited....










"Baby, dito ka na muna sa bahay ha," malumanay na sabi niya sa apat na taong gulang na anak.

"Nanay, sama ako," inosenteng wika ni Kaitlyn.

"Dito ka na kay Manang mo Celine," sabi niya at naupo para magpantay sila ng anak. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso. "Baby, uuwi rin ako, kailangan ko lang magtrabaho para may makain tayo at may pambili ng bago mong clothes and shoes."

"Okay po. Nanay, can I play my toys?" inosenteng tanong ni Kaitlyn kaya napangiti siya at mahinang pinisil ang ilong ng anak.

"Sure. Basta after iligpit mo ha. You can watch your favorite cartoons naman like Barbie and Elsa sa frozen."

"Yehey!" masayang sabi ng bata at niyakap ang ina. "Thank you, nanay."

Tumayo siya at hinarap si Celine. "Ikaw na muna ang bahala kay Kaitlyn ha."

"Opo, Ma'am," sagot nito.

Tumigil sa pag-aaral si Celine kaya kinuha niya muna ito para mag-alaga sa anak niya. Gusto sana niyang isama ang ama rito sa condo pero hindi naman nito kayang iwan ang pagiging magsasaka kaya dadalawin na lang daw sila ng apo nito kapag magpa-ciudad.

"Bye, baby," paalam niya at muling pinagmasdan ang napaka-cute na anak. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganito kaganda ang anak niya. Natural ang pagka-wavy ng mahabang buhok nito. Hindi rin manipis o sobrang kapal ng kilay nito, sakto lang na pumares sa kulay brown na mga mata at mahabang pilik-mata. Ang puti rin nito na nagmana sa lahi ng ama, mga Lopez.

 Ang puti rin nito na nagmana sa lahi ng ama, mga Lopez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi naman siya natural na maputi. Pumuti lang siya dahil galing siya sa ibang bansa.

Kinuha niya ang bag at umalis na. Dahil malapit lang naman ang opisina sa condo building nila, nilakad na niya para makatipid.

Firstday niya ngayon kaya hindi kailangan maaga pa siya para walang masabi ang mga senior niya. Nagkasakit ang kanyang ama kaya nakapag-desisyon siya na umuwi na for good. Hindi rin naman maganda ang pinagdaanan niya sa Madrid, Spain bilang isang kasambahay.

Pagdating sa opisina, pumunta muna siya sa HR at pagkatapos ay dinala siya sa opisina na pagtrabahuhan niya.

Minsan na siyang nakapasok dito noong nag-apply siya bilang isang working student pero hindi nya akalaing ganito pala talaga kalawak ang CA company.

"Dito ang table mo," sabi ni Angeline. "Tapos sa loob, 'yan ang boss kaya wag kang makialam ng gamit niya ha. Hintayin mo siyang mag-orient sa 'yo dahil hindi ko rin alam ang mga gusto niya. Bago pa lang kasi siya rito."

"Okay po. Maraming salamat," pasalamat niya.

"Ikaw ang anak ni Mang Ambo no?"

"Yes po," magalang na sagot niya.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon