Unedited...
"Hi," bati ni Kate nang pagbuksan si Ace. "Pasok ka."
"Thanks. Kate?" ani Ace saka hinalikan sa kanang pisngi ang asawa. "Can we talk?"
"Ngayon na ba? Dinner muna tayo," yaya ni Kate.
"Baka—" Ace.
"Uy, sir Ace, good evening po," magalang na bati ni Manong Ambo.
"Hi, tatay Ambo, good evening po," magalang na bati ni Ace saka nag-bless sa ama ni Kate. "Nandito pala kayo."
"Dinalaw ko lang ang mag-ina. Na-miss ko ang apo ko e," sagot ni Mang Ambo. "Pasok ka, sir. Tamang-tama, luto na ang inihaw na manok."
"Pasok ka," ani Kate.
"Ayusin ko lang ang hapag-kainan," paalam ni Manong Ambo.
"May sasabihin ka?" tanong ni Kate at hinarap ang asawa.
"Ahm... Mamaya na lang siguro," sagot ni Ace dahil nandito pa ang ama ni Kate at si Celine.
"Tatay!" tawag ni Kaitlyn at lumapit sa kanya.
"Hello, anak ko!" masayang sabi niya at payakap na binuhat si Kaitlyn. "I love you."
"I love you po, tatay," sagot ni Kaitlyn.
"Do you miss me?"
Tumango ang bata saka hinalikan siya sa kanang pisngi.
Tinitigan ni Ace ang bata. Paunti-unti ay nakikita niya ang mukha ng ina kay Kaitlyn. Bakit ba hindi niya ito napansin noon? Or baka hindi lang sumaglit sa isip niya dahil parang imposibleng siya ang ama dahil kahit si Kate ay hindi rin alam ang totoo. Pero hindi pa siya sigurado. Kailangan pa niya ng confirmation.
"Kain na tayo," yaya ni Kate.
"Kate?"
"Hmm?"
"Pwede ko bang isama si Kaitlyn bukas ng hapon? May kaibigan ako na ililibre raw ako ng dental checkup. So naisip ko na kung baka pwedeng pati itong anak din natin?" tanong niya.
"Hmm? Medyo takot si Kaitlyn sa dentist pero—"
"Hindi ako takot, nanay!" sabat ni Kaitlyn. "Sama ako kay tatay."
"Gusto mo? Para mas gumanda ang smile ng baby ko," pangumbinse ni Ace.
"Yes, tatay."
"Okay, bukas na after ng klase niya," pagpayag ni Kate. "Halina kayo, kain na tayo."
Sabay silang kumain. Napansin ni Kate na paminsan-minsan ay panay ang tingin ni Ace sa kanila ni Kaitlyn.
"Gusto mo pa ng kanin?" alok ni Kate. Ang weird lang ni Ace ngayon. Nandito pa naman ang ama niya kaya baka mabuko sila nito.
"Sure. Salamat," pasalamat ni Ace at kumuha ulit ng kanin kahit na busog na.
"Salamat sa pagtanggap sa anak ko, sir Ace. Ang bait talaga ninyong magkapatid mula noon," pasalamat ni Mang Ambo.
"Wala ho iyon. Masipag naman ho kasi kayong mag-ama lalo na si Kate. Don't worry ho, aalagaan ko silang mag-ina."
Pasimpleng sinipa ni Kate ang paa ng asawa.
"Salamat naman kung ganoon. Hayaan mo, pagsipagan pa ni Kate ang trabaho. Masipag naman ang anak ko kahit na hindi nakapagtapos ng pag-aaral."
"Alam ko po. Mang Ambo, okay lang ba sa 'yo na hingin ko ang kamay ng anak mo?" diretsahang saad ni Ace kaya napatigil ang matanda sa pagkain. Kahit si Celine ay hindi makapaniwalang palipat-lipat ang tingin kina Ace at Kate.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...