9

13.3K 405 31
                                    









Unedited...








"Ugh! Shit!" pagmumura ni Ace nang mapabalikwas. Mag-alas dos na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makatulog. Napahawak siya sa mga labi niya na kanina lang ay humalik sa mga labi ni Kate. Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang init ng mga labi ng dalaga. "Damn!" aniya saka kinuha ang unan at niyakap saka mariing pumikit. Hindi pwedeng ganito. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili pero sa tuwing pipikit at didilat siya ay ang eksena pa rin nila ang nakikita niya.

Bumangon siya at binuksan ang ilaw saka nag-shower para mapakalma ang sarili.

Never in his entire life na nakaramdam ng ganito sa isang babae. Nang matuyo ang buhok, sinubukan nya ulit na matulog.

Nagising siya nang tumunog ang alarm clock niya. Tinatamad pa siyang bumangon pero kailangan niyang pumasok nang maaga sa opisina.

"Tatay!" masiglang bati ni Kaitlyn nang sabay silang sumakay sa elevator.

"Morning, sir," bati ni Celine.

"Morning. Pasok ka na?" tanong niya sa cute na batang may barbie bag na de-gulong.

"Tatay, penge pong baon," sabi ni Kaitlyn habang nakatingala kay Ace na nakalahad ang kanang kamay.

"Uy, ano ka bang bata ka," saway ni Celine. "Pasensya na ho, sir."

"It's okay," ani Ace sabay kuha ng pitaka sa bulsa saka binigyan ng isang libo ang bata.

"Naku, sir, ang laki ho niyan," ani Kaitlyn.

"Para sa kanya 'yan," sabi ni Ace.

"Salamat po, tatay," nakangiting pasalamat ng bata at matamis na ngumiti kay Ace.

"Salamat po, tatay," nakangiting pasalamat ng bata at matamis na ngumiti kay Ace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Aral kang mabuti baby ha," sabi ni Ace at tinap ang ulo ni Kaitlyn. Kahit na anak ito ni Niel, hindi niya kayang mainis sa bata dahil napakainosente naman nito at walang alam sa nangyayari sa mga magulang nito.

Pagdating sa opisina, nakasabay niya si Niel sa elevator.

"Morning," bati ni Niel pero walang tugon mula kay Ace.

"Wait!" pagpigil ni Rhea saka sumabay sa kanila. "Morning."

"Niel, sabay ka na sa lunch namin nina Mommy at Daddy later ha," bulong ni Rhea. Sila lang namang tatlo sa loob ng elevator kaya naririnig din ni Ace ang sinabi niya.

"Kung hindi ako busy," sagot ni Niel.

"You promised me na sasama ka," nakalabing sabi ni Rhea.

"Pag may time ako mamaya," sagot ni Niel na naiinis na sa kadaldalan ni Rhea.

Nang lumabas ang dalaga, silang dalawa na lang naiwan sa elevator.

"Girlfriend mo?" tanong ni Ace.

"Kababata ko lang ho," sagot niya.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon