Unedited...
"Daddy, Niel!" tili ni Kaitlyn habang sinalubong si Niel na may dalang malaking teddy bear. "Wow! That's for me po?"
"Yes, baby," sagot ni Niel at binuhat ang bata saka hinalikan sa kanang pisngi. "Where's your mom?"
"Sa bahay po," inosenteng sagot ni Kaitlyn.
"Celine, nasa taas ba si Kate?"
"Yes po, sir."
"Balita ko inoperahan ang pinsan mo ah. Kamusta na siya?" tanong niya.
"Okay na po. Makakalabas na siya nextweek. Buti na lang talaga at tinulungan kami ni Sir Ace," pasalamat ni Celine.
"Tinulungan saan?"
"Financially po. Siya ho ang nagbayad ng hospital bills namin," masayang sagot ni Celine.
"Ganoon ba?" ani Niel na naikuyom ang kamao. Iba ang trato ni Ace kay Kate kaysa sa ibang employee kaya hindi siya naniniwalang wala itong pagtingin kay Kate. "May tanong ako. Palagi bang nasa bahay ninyo si Ace?" tanong ni Niel.
"Hindi naman ho," sagot ni Celine. "Sige ho, balik na ako dahil baka naiinip na si Manang sa paghihintay sa akin," paalam niya at tinalikuran si Niel dahil ayaw niyang magsinungaling.
"Baby, may tanong si Daddy ha."
"Ano po 'yon, daddy?" tanong niya.
"Si Ace, palagi ba siyang pumupunta sa inyo?"
"Si Tatay Ace po? Minsan po. Nagdi-dinner," pag-amin ng bata kaya biglang kumulo ang dugo ni Niel.
"Dinner? Natutulog ba siya sa inyo?" tanong niya.
"Hindi po," sagot ng bata sabay iling kaya nakahinga nang maluwag si Niel. "Pero natutulog po kami ni Nanay sa bahay niya." dagdag ni Kaitlyn na ikinagulat ni Niel. Pakiramdam niya ay binuhusan ng malamig na yelo ang kanyang buong katawan.
Isinakay na niya si Kaitlyn sa kotse at nagmaneho patungo sa bahay ng mga magulang para mahiram ang bata.
"Bakit parang binagsakan ka ng langit?" tanong ng ina.
"Mom?" nanghihinang tanong niya at naupo sa sofa. "Am I too late?"
"Saan?"
"Kay Kate," sagot ni Niel at napahilamos sa mukha.
"Hindi pa ba kayo nagkaayos?"
"Ayaw na niya eh," malungkot na sabi ni Niel. "Mom, you know how much I love her. You knew everything about us. She's my first love. Alam mo kung gaano ko siya minahal at pinotrektahan."
"But you hurt her," malungkot na sabi ng ina. "Kung ayaw na talaga niya, give up ka na. Nandiyan naman si Rhea. She's a smart girl and she loves you so much. Maaayos naman ang set-up ninyo pagdating sa bata. Just move on."
"I c—can't. I love her so much, mom. Oo, nagkamali ako noon dahil nadala lang ako sa galit sa sarili ko at sa nangyari but believe me, hindi ko kayang mawala siya."
"Patawarin mo na ang sarili mo, Niel," malungkot na sabi ng ina. "You still have Kaitlyn. Tibayan mo ang loob mo para sa anak mo."
Mas lalong lumukot ang mukha ni Niel. Kung alam lang ng ina ang totoo.
"Tita Rhea!" tili ni Kaitlyn at tumakbo para salubungin si Rhea na papasok.
"Oh, hello, baby!" bati ni Rhea saka niyakap si Kaitlyn. Ang cute kasi nito at sarap pisilin ang pisngi.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...