Unedited...
"Tita Neli," wika niya nang pagbuksan ang ina ni Niel.
"Hija!" masayang sabi nito at niyakap siya. "Long time no see."
"Hello po," bati niya saka humalik sa pisngi ng ginang. "Pasok ho kayo."
"Bakit hindi ka pumunta sa birthday ko noong Sunday?'
"Pasensya na ho, busy kasi talaga ako," paumanhin niya.
"Nanay!" patakbong tawag ni Kaitlyn.
"Hello, ang cute cute naman niya," tuwang-tuwang sabi ni Neli habang nakatingin sa batang nakatunghay sa kanya. "What's your name, hija?"
"Kaitlyn po," sagot ng bata sabay bless kay Neli.
"Kate," sabi ni Niel na kakarating lang at may dalang bulaklak. "Pasensya na, ang hirap maghanap ng parking lot sa baba. For you pala."
Nahihiya siyang tanggihan dahil sa ina ng binata kaya tinanggap niya ang bulaklak.
"Salamat. Maupo ho kayo. Ano ang gusto ninyong iinumin?"
"Wala. Kakagaling lang namin sa restaurant ni Viktor kaya napadaan kami," sabi ni Neli at kinalong si Kaitlyn at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. "Ang ganda talaga ng apo ko."
Naupo si Niel sa tabi ni Kate. "Ipinaalam ni Daddy sa kanila ang tungkol kay Kaitlyn."
"Okay lang," wika ni Kate. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Eh ayaw naman niyang ipagkait sa anak ang karapatan nitong makilala ang pamilya ng ama. Isa pa, walang kasalanan ang mga magulang nito sa kagaguhan ni Niel.
"Ano ang plano ninyo ngayong may anak na pala kayo?" tanong ni Neli. "Wala pa ba kayong balak na magpakasal?"
"Mom-"
"Matagal na po kaming wala ni Niel," sagot ni Kate.
"Mom, kakakita lang ho namin ulit ni Kate kaya hindi pa talaga kami nakapag-usap," ani Niel. Gusto sanang magsalita ni Kate pero mas pinili niyang manahimik na lang.
"Kung ano man ang desisyon ninyo, irerespeto ko iyon. Ayaw kong manghimasok pa. Hindi na kayo mga bata pero ang akin lang bilang lola nitong bata eh mas maganda kapag makapag-usap kayo nang maayos at kung pwede pang ayusin, subukan ninyong ayusin para kay Kaitlyn. Napakagandang bata naman. Kahit na anong gawin ninyo, Lopez pa rin siya."
"Gagawin ho namin, Mommy," sabi ni Niel para mapanatag ang ina. Kahit kailan hindi nanghimasok ang mga magulang sa relasyon nila ni Kate. Sila pa nga ang nagbibigay ng advice noon na 'wag lokohin ang dating kasintahan dahil napakabuti nito.
Hindi naman tumagal ang mag-ina at agad ding nagpaalam kaya nakahinga nang maluwag si Kate. Kung wala ba siyang commitment kay Ace, tatanggapin kaya niya ulit si Niel? Pero kasi paulit-ulit na lang. Gusto rin naman niyang magkaroon ng buong pamilya pero natatakot siyang sumugal kagaya ng dati. Minsan na siyang sumugal at nawala sa kanya ang lahat.
Napatayo siya nang may nag-doorbell.
"May nakalimutan—" napatigil siya nang makitang si Ace ang nasa harapan.
"Disappointed?" tanong ni Ace sabay smirk.
"B—Bakit nandito ka ho?" tanong niya.
"Bakit? May masama bang bisitahin ko ang legal kong asawa?" tanong ni Ace. "Magkapitbahay lang tayo."
"Tatay!" masiglang tawag ni Kaitlyn saka tumakbo at niyakap sa binti si Ace. "Look oh, may flowers si Nanay." sabay turo ng bulaklak sa mesa.
"Nice," puri ni Ace na kay Kate ang mga mata.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...