27

12K 350 30
                                    










Unedited...











"Are you bored?" tanong ni Ace habang magkatabi sila sa sala.

"Hindi naman."

"Sure ka? Baka bored ka ha."

"Hindi. Okay lang kasi mabait naman sila sa akin," sagot ni Kate at ngumiti.

"Pasensya ka na kung madaldal sila. Alam mo naman si Lola Kristina, hindi matigil ang bunganga niya sa kakadaldal," bulong ni Ace at inubos ang laman ng hawak na kopita.

"Okay lang, ang cool nga eh," sabi ni Kate. Mabait ang mga Arguela sa kanya. Hindi siya nakaramdam ng disrespect sa kabila ng status niya sa buhay.

"Yes. Ang cool ng Lola Kristina ko," pagsang-ayon ni Ace. Spoiled sila rito at kapag may gusto sila ni Tasha na ayaw pumayag ng mga magulang, kay Lola Kristina sila agad tumatakbo.

"Hindi na nagsasalita si Kaitlyn ah," puna ni Kate at nilingon ang anak na natutulog na sa kama katabi si Elias.

"Nakatulog na," ani Ace. "Sa sobrang pagod 'yan. Paano, takbuhan sila nang takbuhan ni Elias."

"Kaya nga e," sabi ni Kate. At least hindi lang siya ang tanggap ng pamilya ni Ace kundi pati na rin ang anak niya.

"Oh, ano na naman ang binubulong ninyong mag-asawa riyan?" tanong ni Tasha nang lapitan sila. "Inom ka pa, Ace." Bago pa makatutol si Ace, pinuno na ni Tasha ang kopita nito.

"Alis na ba tayo?" tanong ni Kristina.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ace at uminom ng nilagay ni Tasha sa kopita niya. "Magkaiba naman 'to, Ate. Tatlong klase ng alak na 'to ah."

"Ano ba ang ininom mo kanina?" tanong ni Tasha. "Oh, akala ko 'yan yun. Nabuksan na kasi."

"Ang daddy mo ang uminom  niyan," sabat ni Kristina. "Gisingin mo na ang mga bata ah."

"Saan kayo pupunta, Lola?" tanong ni Ace.

"Doon daw kami matulog sa bahay nina Ethan. May lagnat ang bunso nila kaya dalawin na namin," sagot ni Kristina.

"Ha? Sabay na kami," sabi ni Ace.

"Wag na. Lasing ka kaya dito na kayo ni Kate matulog. Isama na lang namin si Kaitlyn tapos ipahatid na lang namin bukas," tanggi ni Tasha at pinandilatan ang kapatid.

"Okay. Thanks," pagpayag ni Ace. Medyo uminit na nga ang magkabilang pisngi niya dahil sa alak na nainom.

"Gisingin mo na ang mga bata, Tasha," utos ni Kristina kaya ginising ni Tasha ang anak at si Kaitlyn.

Umiyak pa si Elias pero nang makita si Kaitlyn na katabi ay tumahimik ito.

"Sama ka sa amin, Kaitlyn. Doon tayo matulog sa bahay," yaya ni Tasha.

"Sama ka na. Maganda ang room ko," pangumbinse ni Ace kay Kaitlyn na pupungas-pungas pa ng mga mata. Dahil sa antok, tumango na lang ang bata bilang pagpayag.

"Kami na ang bahala sa anak ninyo," sabi ni Tasha.

"Pag madaling araw umiihi si Kaitlyn kaya pakituro naman ho kung saan ang CR bago matulog," pakiusap ni Kate.

"Sure. Ako ang bahala. Itatabi ko sila sa pagtulog," sabi ni Kristina dahil gusto rin niya makatabi ang mga apo.

"Baka hindi ka magising ng madaling araw, Lola," sabi ni Ace.

"Nagigising ako, noh. Baka nakalimutan mo, umiihi ka rin ng madaling araw noong bata ka pa. Hindi pa yan makausap kapag bagong gising," nakasimangot na sabi ni Kristina. "Kahit naman yata ngayon eh."

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon