Gusto kong magpasalamat sa mga patuloy na nagbabasa nito lalo na sa mga nag-aabang ng update ko at hindi hinihintay na matapos ito bago basahin lalo na sa plot na inilatag ko from chapter 1 hanggang sa chapter na ito. Highly appreciated po.☺️
Unedited...
"Manang, papasok ka ba?" tanong ni Celine nang pumasok sa kwarto. Kakahatid lang niya si Kaitlyn sa paaralan pero nagulat siya nang madatnan si Kate sa kwarto na nakapambahay pa.
"Hindi. Sa Monday pa," sagot ni Kate.
"Ate, ano ang nangyari sa leeg mo?" tanong ni Celine kaya napahawak si Kate sa leeg. Hindi niya kayang takpan ito.
"Wala. Nakagat lang ata ng lamok," pagdahilan ni Kate.
"Malaking lamok naman yata ang kumagat, Manang," biro ni Celine. Naalala niyang magkasama sina Ace at si Kate kagabi at tanghali na nga nakauwi si Kate. Hindi naman siya ganun ka inosente.
"Wag mo nang itanong, alam mo na eh," nakasimangot na sabi ni Kate.
"Ayieee, manang, kayo na ba?" masayang tanong niya. "Paano si Manong Niel?"
"Wag mo na akong tanungin tungkol kay Niel, please lang. Matagal na kaming tapos," pakiusap niya.
Kung sabagay, okay nga 'yun manang. Kung saan ka masaya, doon ka."
"Hindi ko rin alam," walang kasiguraduhang sabi ni Kate. Si Niel nga na puro pangako noon, niloko pa sya, ito pa kayang si Ace na parang wala namang official sa kanila. Oo nga at kasal na sila pero wala pa ring klaro ang relasyon nila. Naguguluhan pa rin siya. Naging possesive at aggresive sa kama si Ace kagabi pero baka mag-iba na ito dahil nakuha na ang gusto, kagaya noon kay Niel.
"Pero bagay kayo ni Sir Ace. Mas mayaman pa siya kaysa kay Manong Niel," kinikilig na sabi ni Celine.
"Pare-pareho lang naman 'yan sila. Kaya kung ako sa 'yo, siguraduhin mo talaga ang lalaking bibigyan mo ng pagkababae mo. Kahit gaano ka niya kamahal kung hindi kayo para sa isa't isa at kung manloloko siya, hindi talaga kayo magkatuluyan. Iiwan ka lang din niya sa ere," payo niya.
"True ka, Manang. Once a cheater is always a cheater. Pero ang swerte mo pa rin dahil may isang Kaitlyn ka. Ang cute at sobrang ganda pa."
"Tama ka. Isa pa, mahal siya ng mga Lopez kaya wala akong problema," pagsang-ayon ni Kate.
"Oo nga po e. Mahal naman ni Manong Niel ang anak ninyo."
"Nakikita ko nga kaya kahit na nahihirapan ako, pumapayag ako na hiramin nila si Kaitlyn dahil tanggap naman ng pamilya nila. Mahal naman ng mga Lopez si Kaitlyn."
"Syempre kadugo nila, Manang e. Mas mangibabaw pa rin ang kadugo kaysa sa ibang tao," pagsang-ayon ni Celine. "Ang swerteng bata ni Kaitlyn. Isa pa, sinong pamilya ang tatanggi eh bibo at ubod ng ganda talaga ni Baby Kaitlyn, noh. Sila ang mawalan kapag hindi nila i-recognize ang anak ninyo."
"Hayaan mo na. Sana kung ano man ang kaganapan sa amin ng anak ko, walang makakaalam, Celine. Ayaw ko ng madaldal ha," sabi niya pero wala siyang balak na ipaalam na kasal na sila ni Ace. Hanggat maaari ay wala siyang pagsabihan.
Nagpahinga muna siya. Nagising na lang siya nang umuwi na si Kaitlyn dahil ang ingay nito.
"Ang daldal mo," sabi niya at bumangon para mag-lunch na. "Nakabili ka ng pagkain natin?"
"Yes po, Manang," sagot ni Celine.
"Sige, ihanda mo na at pabihisan ko lang si Kaitlyn," utos niya kaya lumabas si Celine.
"Halika, magpalit ka na ng damit," sabi ni Kate.
"Nanay, may sugat ka sa leeg," nag-aalalang sabi ni Kaitlyn sabay turo sa leeg ng ina.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...