Unedited...
"Thanks God at nagpalit tayo," pasalamat ni Diane. "Believe me. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang torture na napagdaanan ko araw-araw dah sa CEO natin."
"Bakit ba?" natatawang tanong ni Kate.
"Ang cold ni Sir Ace tapos hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ni walang inuutos sa akin tapos—basta!" hindi na niya maipaliwanag basta mas okay pa sa kanya na palagi siyang uutusan kaysa sa hindi niya alam ang gagawin. "Good luck sa 'yo."
"Mabait naman si Sir Ace ah," depensa ni Kate.
"Kaysa kay Sir Niel?" tanong ni Diane.
"Ahm... sakto lang," sagot niya. Iba naman kasi ang sitwasyon nila ni Niel. Walang nakakaalam na mag-ex sila kaya hindi nila alam ang pinagdadaanan niya sa tuwing magkita silang tatlo nina Niel at Rhea.
"Kate, pakiayos ng mga damit na isusuot ko ngayon. May meeting ako mamayang hapon," sabi ni Ace nang lumabas sa elevator.
"Okay, boss," sabi niya.
"Himala, nag-utos ngayon," pabulong na sabi ni Diane pero nag-quiet sign si Kate at sinundan ang boss sa opisina.
"Wala rito ang damit. Pakikuha sa baba at patanong kay Rhea kung saan niya inilagay dahil alam niya iyon," sabi ni Ace saka kinuha ang cellphone para tawagan ang assistant.
"Okay boss."
"Ah, by the way. Pakiayos na rin ng papers na kailanganin ko. Make sure na may copy ka at yung USB, wag mong kalimutang ilagay sa brief case ko," bilin ni Ace kaya tumango ang dalaga at lumabas puro pumunta sa designing department.
"Hello, good morning," bati niya na napa wow sa loob ng opisina. Ang ganda at kahit ang table nila ay di malayong mas maganda kaysa sa kanila dahil may privacy ang mga ito. Unlike sa kanila sa taas na paglabas ng elevator ay sila na agad ang bungad sa right side. Ni wala man lang pinto kaya kitang-kita nila kung sino ang pumapasok.
"May kailangan ka?" tanong ni Rhea.
"Yung damit daw na isusuot ni Sir Ace, kukunin ko."
"Bakit hindi si Diane ang kumuha?"
"Nagpalit na kami ng trabaho ni Diane, siya na ngayon ang secretary ni Sir Niel at ako naman kay Sir Ace."
"Oh, really? Well, goodnews!" masayang sabi ni Rhea. "Wait, itatanong ko lang kay Manang Nora ang isusuot niya."
Pagbalik niya, bitbit na niya ang dalawang suit kaya kinuha ni Kate at bumalik sa taas.
"Sir, alin ba dito ang isusuot mo?" tanong nya sabay lagay sa stand ng bitbit.
"Sa tingin mo?"
"Ahm... Kahit ano, bagay naman sa 'yo."
Tumayo si Ace at kinuha ang white suit.
"Ito na lang," sabi ni Ace saka naghubad ng damit. Nagulat si Kate sa ginawa nito.
"L—Labas muna ako, sir," natarantang sabi niya.
"No," sabi ni Ace kaya namilog ang mga mata niya.
"M—Magbibihis ka ho." Hindi niya maiwasang mapasulyap sa malapad na dibdib ng boss. May tinatago pala itong 6 packs abs.
"Hindi naman ako maghubad sa harapan mo," sabi ni Ace saka isinuot ang damit. Napatingin siya kay Kate na tumalikod.
"T—Tapos ka na, sir?"
"Yes," sagot ni Ace nang masuot ang pants. "Paki-dry clean nitong hinubad ko."
"Okay ho," sabi niya.
"Palagay muna ako ng necktie," sabi ni Ace sabay abot ng necktie kay Kate kaya lumapit ang dalaga at inilagay ang necktie.
Hindi naman gumalaw si Ace para maayos nang mabuti ni Kate.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
Ficción GeneralHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...