24

12.9K 367 43
                                    











Unedited....










Pumasok sa elevator si Kate pero naiilang sa mga matang nakatungin sa kanya sa loob ng elevator. Feeling niya siya ang pinagtitinginan ng mga ito. Hindi lang siya sigurado kung dahil ba kay Niel o kay Ace? Pero baka kay Niel dahil hindi pa nila alam ang tungkol sa kanila ni Ace. Maliban sa kung may nakakita sa kanila na pumasok at lumabas sa hotel.

Papasara na ang elevator nang may pumigil kaya napatingin sila kay Niel sa harap ng pinto.

"May I? Kakasya pa ba ako?" tanong ni Niel.

"Sure, sir," nakangiting sagot ni Sara kaya pumasok si Niel at nakisabay sa mga empleyado. "Hi," bati ni Niel na nakay Kate nakayuko. "Ang aga mo naman, Kate."

"Maaga ho akong nagising, sir," sagot ni Kate.

"Why sir?" tanong ni Niel kaya ni isa sa loob ng elevayor ay halos ayaw huminga. "We're family. Alam naman nila."

Hindi sumagot si Kate pero ramdam niya ang pag-init ng magkabilang mukha. Gusto na niyang lumabas dahil napi-pressure siya. Buti at tumahimik na rin si Niel.

Nang nagsibabaan ang mga empleyado sa kani-kanilang floor, hinarap ni Kate si Niel.

"Sa susunod, matuto kang lumugar ng mga pinagsasabi mo!"

"Why? Anong masama sa sinabi ko? Tama naman, 'di ba? Family tayo. May anak na tayo."

"Wala na tayo."

"Okay, fine. Kung ayaw mo nang makipagbalikan, wala akong magagawa pero ipaglaban ko ang karapatan ko bilang ama ng anak natin," bagama't mahinahon, may tono ng pagbabantang sabi ni Niel.

"Bakit ba napaka-selfish mo, Niel? Binigay ko naman ang karapatan mo ah."

"Kasama ka sa gusto, Kate," sabi niya at pinasadahan ng tingin ang dating kasintahan. Nakapantalon ito at ling sleeve pero hapit sa katawan kaya kitang-kita ang kurbada ng katawan. Of course, alam niya kung gaano kaganda at kakinis kapag hindi ito natatakpan.











--------------Flashback------------


Napamulat si Niel nang maramdaman ang pangangalay sa kanang braso dahil sa nakadagan dito.

"K—Kate," nauutal na usal niya nang makitang nasa ilalim sila ng kumot, hubo't hubad.

"N—Niel," usal ng dalaga saka napatitig sa gwapong mukha ng kasintahan.

"Morning, babe," bulong ni Niel sabay halik sa noo ni Kate. "I love you." Niyakap niya ito nang mahigpit saka isiniksik ang mukha sa leeg ng dalaga.

"Morning. I love you too," sabi ni Kate saka sinalubong ang mga labi ni Niel. Nagsimulang maglakbay ang mga kamay ng binata sa kanyang dibdib kaya napapikit si Kate.

"Hindi ka pa ba nagsawa kagabi?" tanong ni Kate.

"Hindi ako magsasawa sa 'yo, babe," bulong ni Niel sabay patong sa ibabaw ng kasintahan. "I'm awake," makahulugang sabi niya sabay kiskis ng pagkalalaki sa pagitan ng hita ni Kate pero biglang tumunog ang cellphone ng dalaga.

"Wait, sagutin ko lang."

"Later," may pagtutol na sabi ni Niel pero tinulak siya ni Kate.

"Si Tatay ang tumatawag. Wag kang maingay," saway ni Kate sabay pandilat sa binata. "Hello, Tay?"

Napabuntonghininga si Niel habang nakatingin sa dalaga na nakikipag-usap sa ama.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon