16

13.5K 378 23
                                    







Unedited...


"Nandito si Elias kaya baka pwedeng mahiram muna si Kaitlyn?" tanong ni Ace nang pagbuksan nya ng pinto.

"Hello po, tita," magalang na bati ni Elias saka nag-bless kay Kate. "Si Kaitlyn po?"

"Nasa loob. Pasok kayo," sagot ni Kate na kakauwi lang at naghahanda ng dinner. "Dito na kayo kumain, sakto at nagluluto ako."

"Babalik ako ng unit, nandito si Lola e. Baka pwedeng mahiram muna ang bata?" pakiusap ni Ace dahil kanina pa excited si Elias na bisitahin si Kaitlyn kaya dinaanan na niya ito at isinama.

"Sige. Celine, patawag naman si Kaitlyn sa kwarto. Pasabing dito si Elias."

"Okay, Manang."

"Hindi naman yata matutulog dito si Elias, di ba?"

"No. Isasama siya ni Lola pauwi," sagot ni Ace.

"Okay," sabi ni Kate. Buti naman dahil hindi na niya alam ang gagawin kapag makiusap ulit itong matulog si Kaitlyn. Syempre kasama na naman siya. Unless papayag si Ace na mag-isang bantayan ang mga bata.

"Elias!" masayang sabi ni Kaitlyn sabay takbo palapit sa kalaro. "Marami na akong toys."

"Ako rin," masayang sabi ni Elias.

Napatingin si Kate sa dalawang batang nagyakapan at patalon-talon pa.

"That's enough, balik na tayo kids sa unit. Hinihintay na kayo ni Grandma," sabi ni Ace at humarap sa asawa. "Salamat, Kate."

"Okay lang," sabi ni Kate.

Hawak-kamay na tumungo ang mga bata sa unit ni Ace.

"Oh, saan kayo galing?" tanong ni Kristina at napatingin sa batang kasama ni Elias. "Kaninong cute na anak 'yan?"

"Baby, bless na kay Lola," sabi ni Ace kaya lumapit si Kaitlyn.

"Hello po, grandma," bati ni Kaitlyn at nag-bless.

"Sige na, laro na kayo roon," pagtataboy ni Ace sa mga bata para makagawa na siya ng gawain sa computer.

"Ang ganda-ganda ng apo ko! Ace, bakit ba hindi mo ipinaalam na may anak ka na?" masayang tanong ni Kristina at sinamaan ng tingin ang apo. Sino ba ang mag-aakalang may tinatago pala ang apo niya? "I'm surprised! Oh my gosh! Marami na akong apo sa tuhod!"

"Lola, hindi ko siya anak," bulong ni Ace para hindi marinig ni Kaitlyn.

"Ha? Anong hindi?" nagtatakang tanong ni Kristina saka napatingin kay Kaitlyn na tumatawa habang kalaro si Elias.

"Apo siya ng mga Lopez," sabi ni Ace. "Anak siya ni Niel."

"Totoo, Ace?"

"Sayang naman. Akala ko apo ko na siya. Bakit dito sila?"

"Diyan sa unit natin nakatira ang nanay niya. Hiwalay na sila ni Niel kaya tinulungan siya ni Ate Tasha at pinagamit muna ang isang unit," sagot ni Ace.

"Single mother," ulit ni Kristina."Bakit naghiwalay sila ng anak ni Troy?" usisa niya na umuusbong na naman ang pagiging usosera niya.

"May ibang babae ang tarandadong 'yon!" sagot ni Ace saka inilagay ang password sa laptop pero napatingin siya sa lola niya na nakatitig sa kanya. "What?"

"May aaminin ka ba sa akin, Ace?"

"May sinabi ba si Ate sa 'yo?" seryosong tanong niya.

"It looks like na may sikreto  nga kayong tinatago sa akin," sabi ni Kristina.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon