Unedited...
"Uy, patulong naman ako sa pagkuha ng mga pagkain," pakiusap ni Sam nang lapitan sina Kate.
"Bakit? Para kanino ang pagkain?" tanong ni Diane. "Para ba sa atin?"
"Unfortunately, no," sagot ni Sam. "Patulong na uy. Ang dami nun e."
"Busy ako. Baka si Kate," sabi ni Diane.
"Ako na lang sasama, wala naman akong gagawin," pagboluntaryo ni Kate. "Saan ba natin kukunin?"
"Sa baba. Pina-deliver pero hanggang sa reception lang," sagot ni Sam.
"Bakit ang dami? Para kanino ba?"
"Sa engineering department. May meeting daw sila kaya nag-order sila," sagot ni Sam habang tinitingnan ang cellphone.
"Tara na," yaya ni Kate. Tamang-tama dahil wala naman sigurong iutos si Ace sa kanya dahil umalis ito kani-kanina lang nang hindi niya alam.
"Ay, salamat naman. Akala ko ako lang magbubuhat," pasalamat ni Sam. "Taralets!"
Bumaba sila sa reception para kunin ang pagkain.
"Ganito ba talaga ka dami?" bulalas ni Sam nang makita ang limang malalaking supot tapos may mga drinks pa. "Seriously?"
"Oo. Alam mo naman na bawal pumasok ang outsider," sagot ng receptionist.
"Kumuha na lang tayo ng cart," suhestiyon ni Kate.
"Ay, good idea!" sabi ni Sam.
Nang makuha nila ang dalawang cart, inilabas nila ang pagkain at ipinatong sa cart.
"Saan ba 'yon?" tanong ni Kate habang tulak ang cart patungo sa elevator.
"Sa conference room daw. May meeting sila pero inilibre ata sila ng head nila nitong merienda. Alam mo namang kain kalabaw ang mga lalaki," sagot ni Sam at pinindot ang elevator.
"Kamusta naman ang maganda mong baby? Balita ko nandoon daw si Sir Niel ah," tanong ni Sam.
"Paano mo nalaman?"
"Eh? Nandoon nga? Hinulaan ko lang," bulalas ni Sam nang sumara ang pinto.
"Sumuporta lang sa anak namin," sagot ni Kate.
"Gosh! Seryoso talaga siya sa 'yo, girl. Balikan mo na. Tutal may past naman kayo at for sure minahal ninyo ang isa't isa. Ang swerte mo kaya sa kanya," sulsol ni Sam."Hindi ko man alam ang tunay na nangyari sa inyo pero di ba everybody deserves a second chance?"
"Ayaw kong pag-usapan," pag-iiwas ni Kate. Ilang taon kaya niya itong tiniis at kada taon ay may nali-link ditong babae pero hindi lang niya pinapansin dahil sobrang mapagmahal ito kapag silang dalawa ang magkasama. Sobrang gentleman pa at higit sa lahat, seloso kaya bantay-sarado siya noon.
"Hmm? Pag-isipan mo pa rin, girl. Kahit na para na lang sa anak ninyo," suhestiyon ni Sam.
Tumango na lang si Kate. Hindi kasi nito alam ang tunay na sitwasyon niya lalo na't naiipit din siya sa kasal nila ni Ace. 'Pag malaman ng mga ito, tiyak malaking issue na naman. Gusto na niyang mag-resign pero saan naman siya makakuha ng magandang benefits at sahod na kasing laki nito partida wala pa siyang tinapos na kurso.
Pagpasok nila sa conference room, napatingin ang mga lalaki sa kanila. May babae naman pero lima lang.
Napasulyap si Kate kay Ace na nakipag-usap sa head ng engineering habang si Niel naman ay kinakausap din ng high school classmate nila.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...