Unedited...
Pumasok siya sa elevator nang may batang patakbong pumasok din kaya pinigilan muna niya ang elevator saka palinga-linga pero wala namang ibang tao maliban sa reception kaya hinayaan na niyang sumara at pinindot kung saan siya nakatira.
Napatingin siya sa batang nakatingala sa kanya na para bang pinag-aralan ang kilos niya.
"Hey, barbie. What's your name?" tanong niya.
Ang kaninang seryosong mukha ng bata ay paunti-unting napalitan. Ngumiti ito sa kanya kaya napangiti si Ace.
"Kaitlyn po," sagot nito."Where's your mom?" tanong niya pero hindi sumagot ang bata hanggang sa bumukas ang elevator.
Lumabas din ang bata kaya dumiretso si Ace sa tapat ng unit niya at kinuha ang naiwan laptop. Paglabas niya, muntik na siyang mapatalon dahil nasa tapat ng pinto niya ang batang nakatingala sa kanya.
"Hey, where's your mom?" ulit niya pero hindi pa rin sumasagot ang bata. "Are you lost?"
Napabuntonghininga siya saka hinawakan ang malambot na kamay ng bata.
"Come. Dadalhin kita sa baba," sabi niya at binuhat si Kaitlyn saka muling bumalik sa elevator. Paglabas, dumiretso siya sa reception.
"Miss, may naghahanap ba ng batang ito?"
"Ha? Wala naman ho," sagot nito na hindi mawala ang tingin sa gwapong mukha ni Ace.
"Miss, nagmamadali ako. Pwede bang maiwan ko ang batang ito?" pakiusap niya at inilapag si Kaitlyn. "Stay here, okay? Baka hanapin ka ng parents mo."
Hindi siya makagalaw nang yakapin ni Kaitlyn ang kanang binti niya.
"Sir, mukhang gusto nyang sumama sa 'yo," nakangiting sabi ng receptionist.
"Miss, baka hinahanap na ito ng mga magulang. Iwan ko sa 'yo to." Yumuko siya at hinawakan ang bata sa magkabilang balikat. "Baby, stay here, okay? May lakad pa ako."
Pinaupo niya ang bata sa tabi ng receptionist saka iniwan pero biglang umiyak ang bata at tumakbo palapit sa kanya.
"Hey, baby," nakangiwing sabi niya dahil male-late na siya saa meeting.
"Sir, ayaw magpaiwan."
"Damn!" pagmumura niya saka kumuha ng business card. "Miss, hindi ko 'to kikidnapin ha. Kapag hanapin ng magulang, ikontak nila ako. Babalik din ako after ng meeting, okay?"
"Sure, sir. May CCTV naman ho ang hotel na ito," sabi nito at kinuha ang business card. Nagulat siya nang makita ang pangalan ni Ace na may-ari ng buong building na ito.
"Hey, stop crying," saway niya saka binuhat ang bata palabas ng building. Sa backseat niya ito isinakay. After three minutes, nasa CA company na sila.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...