Unedited...
"Sir, wala ka ba talagang iuutos?" tanong niya.
"Wala. Tapos ka na bang manood?" napansin niyang hindi na nanonood ang dalaga.
"Tapos ko na. Nakakaiyak lang yung kalaban niya yung matanda," sagot niya. "Baka may gagawin pa ako."
"Personal assistant kita kaya yung mga gawain mo ay wala naman akong maiutos."
"Pasensya ka na kung wala akong maitulong. Iba kasi ang kurso ko noon na hindi ko naman natapos," paumanhin niya.
"May gagawin ka ba after ng trabaho?"
"Nangako akong ibibili ko si Kaitlyn ng bagong damit. Sakto lang dahil kakasahod naman," sagot niya.
"Okay. Pwede ka nang umuwi," sabi ni Ace.
"Ho?" napasulyap siya sa wall clock, alas tres pa lang ng hapon.
"Wala ka nang gagawin kaya umuwi ka na para mahaba pa ang time na makasama mo ang anak mo."
"Pero hindi ba unfair iyon sa iba?"
"Why? Ilan ba ang secretary ko?"
"Pero yung ibang secretary."
"May mga boss sila at hindi ako iyon," sagot ni Ace.
"Pero—"
"Sino ba ang boss mo, Kate?"
"Ikaw ho."
"So sino ang masusunod?"
"Ikaw," mahinang sagot niya.
"Uwi na," utos ni Ace.
"Sure ka?"
"Gusto mo magbiruan tayo, Kate?"
"Thank you, sir," pasalamat niya saka kinuha ang bag. "Salamat ulit. Mag-overtime ako bukas, promise."
Mabilis na lumabas siya at naglakad pauwi. Buti at hindi siya tinanong ng mga kasama nang mapadaan siya sa table ng mga ito.
Sinundo muna niya ang anak at pinabihisan saka dinala sa SM City Manduriao. Hinayaan na muna niyang maglaro kasama ang ibang bata at pagkatapos ay dinala sa department store.
Nakailang ikot din sila dahil ang gusto ng anak na bilhin ay hindi pasok sa budget niya.
"Ito na baby, sukat mo 'to. Bagay sa 'yo to," sabi niya sabay bigay ng pink dress sa anak. "Tapos uwi na tayo."
Game naman na sinukat ni Kaitlyn ang mga binibigay ng ina.
"Nanay, gusto ko ng barbie," sabi niya sabay turo sa malaki at napakagandang barbie.
"Wala na tayong pera. Nextime na lang ha," pakiusap niya.
"Pero gusto ko talaga," naiiyak na sabi ni Kaitlyn kaya nilapitan niya ang barbie, nasa 1000 pesos ang presyo. "Sige, bilhin natin ito pero magbabawas tayo ng damit dito ha."
"Okay po," pagpayag ng anak kaya ibinalik niya ang dalawang pantalon.
"Tara, magbayad na tayo," yaya niya at binitbit ang basket habang ang anak naman ay ang barbie. Matiyaga silang nagpila sa mahabang linya hanggang sa makarating sila sa cashier. Nauna niyang inilagay ang mga damit. "Akin na 'yan, babayaran na natin," sabi niya sa anak saka kinuha ang laruan at ibinigay sa nagtitinda.
"Sixteen thousand five hundred and twenty cents, ma'am," sabi ni cashier.
"Ha?" bulalas niya. "Paano? Sure ka?"
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...