Unedited..
Pagkatapos ng opisina ay pumunta sila sa hotel para makipagkita sa Lola ni Niel dahil nagpaiwan ito. Nandoon daw si Elias kaya ihatid na muna nila si Kaitlyn para may kalaro ang bata. Isa pa, gusto ring makita ni Kristina si Kaitlyn.
"Tara na?" tanong ni Ace nang makababa sila. Napatingala si Kaitlyn sa pangalan ng hotel. "Don't worry, wala silang pakialam kung makita ka nilang nandito tayo. Mag-asawa na tayo, okay?"
"Oo nga," pagsang-ayon ni Kate at tiningnan ang anak na karga ni Ace. "Tama ka."
Hinawakan siya sa kanang kamay ni Ace at hinila papasok sa loob ng hotel.
"Tatay, baba mo 'ko," sabi ni Kaitlyn kaya ibinaba siya ni Ace.
"Tatay! May balloons oh! Can I pick one?" tuwang tanong ni Kaitlyn dahil anniversary ata ng hotel kaya marami ang balloon sa hallway.
"No, baby. Bawal kasi display nila 'yan. If you want, bilhan na lang kita, okay?" mahinahong sabi ni Ace.
"But I can touch it?" nakatingalang pakiusap ng bata. "Please."
"Okay," pagpayag ni Ace.
"Pero baka kanina pa tayo hinihintay sa inyo," sabi ni Kate.
"It's okay. Hindi naman nagmamadali si Lola. Isa pa, pagbigyan na natin ang anak natin, okay?" pakiusap ni Kate.
"Okay," pagpayag ni Kate at sinundan nila ang anak na lumapit sa balloons.
"Baby, picture-an kita," sabi ni Ace at kinuha ang cellphone. Napansin ni Kate na si Kaitlyn ang wallpaper ng asawa kaya nakaramdam siya ng kasiyahan. Ramdam at kitang-kita naman niya na tanggap talaga ni Ace si Kaitlyn kaya wala siyang problema.
"Posing ka lang, baby," sabi ni Ace kaya kinuha ni Kate ang cellphone at patagong kinuhaan si Ace ng litrato habang pini-picture-an din nito ang anak niya.
"By the way," ani Kate. "May binigay na si Niel na papers para pirmahan ko na pumapayag na ipapadala ko ang apelyido niya sa anak namin."
"Pinirmahan mo na?" tanong ni Ace na nakaramdam ng inggit. Kung pwede nga lang na makialam siya, gagawin niya pero wala naman siyang karapatan. Hindi naman siya ang tunay na ama ng bata.
"Hindi pa," sagot ni Kate dahil parang may pumipigil sa kanyang gawin iyon. "Ang sabi niya, ilalaban daw niya ang karapatan niya sa anak namin at idadaan sa husgado ang lahat. Natatakot ako na mahati ang custody sa bata. Ayaw kong ipahiram sa kanila nang matagal ang anak namin. Syempre wala akong pera kaya baka kapag ibalik nila si Kaitlyn, hindi ko na kayang ibigay ang mga demands niya dahil masanay siyang ibinibigay ang luho niya ng mga Lopez."
"I'll help you pagdating sa pera, Kate. Asawa mo ako kaya hindi kita pababayaan. Don't worry, tutulungan kitang ilaban ang karapatan mo kung sakali. Hindi niya makukuha ang custody ng bata. Bakit ba biglang nagbago ang desisyon niya? Akala ko ba okay na ang lahat?"
"Gusto niyang makipagbalikan," sagot ni Kate kaya napaismid si Ace.
"Hindi pa rin talaga siya titigil? Aminin mo na kasi na kasal na tayo nang matahimik na siya."
"Not now," tanggi ni Kate. Siya ang nahihiya para kay Ace dahil pumatol ito sa katulad niyang mahirap na, single mom pa.
"Ano pa ba ang hinihintay mo? Mahal naman kita."
"Ayaw ko munang pag-usapan. Naguguluhan ako, Ace."
"Don't worry, asawa ko. Nandito lang ako at hihintayin ko ang panahong ready ka na," sabi ni Ace at inakbayan si Kate.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...