12

13.7K 422 39
                                    











Unedited...








"Ano ang nabalitaan kong may anak ka na at dinala mo rito sa opisina kahapon? Kaninong anak iyon, ha?" tanong ni Rhea nang pumasok sa opisina ni Niel.

"Pwede bang lumabas ka na, Rhea? Busy ako," pagtataboy ni Niel.

"K—Kay Kate ba?" May kung anong kurot na tumusok sa dibdib niya. Ibig sabihin, handa si Niel na gawin ang lahat para lang magkabalikan sila ni Kate. Paano naman siya?

"Stop it, Rhea! Kung wala kang magandang sasabihin, lumabas ka na!"

"Baliw ka na, Niel!" bulyaw ni Rhea.

"Alam mo, kasalanan mo ang lahat ng ito, Rhea eh! Kung hindi dahil sa 'yo, masaya na sana kami ngayon!" paninisi ni Niel.

Naikuyom ni Rhea ang kamao. "Alam mong ikaw lang ang lalaki sa buhay ko, Niel! Malandi at masama man ako pero walang ibang lalaki sa akin kundi ikaw lang!"

Napasabunot si Niel sa buhok. "Bakit ba hindi mo ako maunawaan, Rhea? Hayaan mo na kaming masaya. Si Kate lang ang mahal ko at ikaw? Parausan ka lang!" prangkang sabi niya kaya natigilan si Rhea at hindi makapaniwalang tiningnan niya sa mukha. Iniwas ni Niel ang tingin nang gumihit ang sakit sa mga mata ng dalaga.

"H-Hindi iyon ang nararamdaman mo sa tuwing angkinin mo ako," mahinang sabi ni Rhea na sinubukang wag masaktan. Ilang beses na rin naman siyang nakatanggap ng sumbat at paninisi mula sa lalaking minahal niya, ngayon pa ba siya susuko?

"You seduced me, Rhea! Inamin mo pa sa kanya na may nangyari sa atin! You promised me na ilihim iyon pero ano ang ginawa mo? Sinira mo ang relasyon namin!" sumbat niya. "Napaka-selfish mo."

"Oo na! Selfish na kung selfish! Bakit ba hanggang ngayon hindi mo nakita ang halaga ko?"

"Labas na, please lang!" pakiusap ni Niel sabay turo ng pintuan. "At wag na wag mong galawin si Kaitlyn dahil wala siyang kinalaman sa nangyari!"

"Hindi ka na mahal ni Kate. Kung minahal ka niya, handa ka niyang patawarin pero ano? Wala ka nang pag-asa at sana matanggap mo iyon!" Nasasaktan man siya sa nakikitang atensyon na ibinibigay ni Niel sa mag-ina, pero ayaw niyang ipakitang mahina siya. "Ako! A—Ako ang nandito para sa 'yo. Ako ang nakakaintindi sa 'yo at ako ang tunay na nagmamahal sa 'yo, Niel. Bakit ba hindi mo pa rin makita iyon?"

"Wala kang karapatang himasukan ang relasyon namin ni Kate!" gigil na sabi ni Niel sabay hawak sa kaliwang braso ni Rhea. Nakita niyang napangiwi ito kaya binitiwan niya ito. Gustuhin man niya, but he can't hurt her. Hindi niya kaya dahil nasanay na siyang pinoprotektahan ito kaya naging ganito ito ka spoiled sa harapan niya, she can take whatever she wants at kasama na siya rito.
"Lumabas ka na bago ko pa makalimutang kababata kita!" malamig na tugon ng binata matapos pakalmahin ang sarili.

Lumabas si Rhea at pabagsak na isinara ang pintuan.

"Hey!" malakas na tawag niya saka pinuntahan si Kate na kakabalik lang sa pwesto.

"May kailangan ka?"

"Oo! Ikaw!" sagot ni Rhea sabay sampal kay Kate nang malapitan ito kaya napasinghap ang mga kasama nitong secretary. "Tingin mo makukuha mo sa akin si Niel sa pamamagitan ng anak mo?"

"Wala akong balak na agawin sa 'yo si Niel. Matagal na siyang sa 'yo," sagot ni Kate na nagpipigil lang ng sarili dahil ayaw niya ng iskandalo pero kung nasa ibang lugar lang sila baka nangudngod na niya ang mukha nito sa cemento.

"What's the commotion all about?" tanong ni Ace kaya kanya-kanya silang gawa sa table nila. "Kate?" tanong ni Ace na sa asawa nakatingin.

"It's personal matter," sagot ni Rhea na parang maamong tuta na biglang lumambot ang boses. "Balik na ako sa trabaho." Pumasok siya sa elevator.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon