Author's note: Thank you kasi binabasa nyo pa rin ito. I know na galing pa kayo sa story nina Anika at Chris Arguela. Wala lang, nakakatuwa lang. Hehehe.
UNEDITED...
"Ang bibo talaga ng apo ko," masayang sabi ni Neli habang pinagmasdan si Kaitlyn na maganang kumakain.
"Mana sa lolo," nakangiting sabi ni Troy at napatingin kay Niel. "Bakit hindi kasama si Kate?"
"Busy ho siya sa office," sagot ni Niel kahit na alam niyang naghahanap lang ito ng rason para makaiwas.
"Ayusin mo ang gusot ninyo, Niel. Ayaw kong maging bastarda ang apo ko," sabi ni Troy.
"Lolo, can I have fried chicken?" sabay kalabit kay Troy. "Can I have another one, please?"
"Oo naman. Sige, kain ka pa apo. Order ka lang ng gusto mo," sabi ni Troy at tinap ang ulo ni Kaitlyn.
"Ikaw naman kasi. Ilang beses ka na naming pinagsabihan na wag ka nang maghanap ng ibang babae pero nagloko ka pa rin," paninisi ni Neli. "Tapos tinago pa ninyo na may anak na kayo."
"Hindi ko naman akalain na aalis ng Iloilo si Kate, Mom," depensa ni Niel.
"Si Rhea ba ang dahilan?" seryosong tanong ni Neli. "Hindi ako bulag, Niel. Alam kong patay na patay sa 'yo ang batang iyon pero aminin mo nga, pinatulan mo ba?"
"Mom?" ani Niel na hindi alam kung ano ang sasabihin sa ina. Firstime nitong nagtanong sa kanya nang tungkol sa kanila ni Rhea.
"Ngayon lang ako nagtanong dahil wala akong pinapanigan sa kanila. Kung sino ang mahal mo ay malaya kang pakasalan siya pero Niel, may anak kayo ni Kate. Dapat unahin mo ang pamilya. May anak ka na kaya magbago ka na."
"I'm chasing her, Mom," pag-amin ni Niel. "Pero siya itong umiiwas at galit pa sa akin."
"Sino ba ang hindi magagalit sa ginawa mo?" galit na sabat ni Troy.
"Haist. Give her time," pagsuko ni Neli. "Ipagpatuloy na ninyo ang pagkain dahil uuwi pa kami ng daddy mo sa Guimbal."
"Isasama ko na ho si Kaitlyn sa opisina," sabi ni Niel. "Ako na ho ang bahala sa anak ko."
Nang matapos silang kumain, isinama niya si Kaitlyn sa opisina.
"Baba na tayo, baby," sabi niya at binuhat ang bata palabas ng sasakyan.
"Daddy Niel," ani Kaitlyn saka niyakap sa leeg si Niel.
"Yes?"
"Bili mo 'ko ng laruan?"
Napatitig si Niel sa batang karga. Paunti-unti ay nalusaw ang bigat ng dibdib niya dahil sa mga ngiti nito.
"Oo, bibilhan kita ng lahat ng gusto mo," sagot niya. Hindi siya makakilos nang yakapin siya ng leeg ni Kaitlyn at hinalikan sa kanang pisngi.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...