Unedited...
Nag-enjoy naman ang mga bata sa Garin farm lalo na sa mga hayop na nandoon at sa pinakatuktok na may mga angels na parang nasa langit ka lang. Nag-zipline rin sila kaya tuwang-tuwa ang mga ito. Doon na rin sila nag-lunch ng tinolang manok.
Magtatakip-silim na sila nang umuwi.
"Bukas na ang balik ni Celine, no?" tanong ni Ace na nagmamaneho pabalik sa City.
"Oo, bukas ng gabi. Bakit?"
"Okay lang ba na ikaw ang isama ko sa party bukas?"
"Ha? Anong party?"
"Cocktail party. Opening ng wine and other beverages ko dito sa Iloilo kaya magkaroon tayo ng opening party."
"Sino-sino ang mga pupunta?"
"Hindi ko alam. Si Ate Tasha ang nag-send ng invitation e."
"For sure mga mayayamang tao." Syempre may kaya lang sa buhay ay bibili ng mamahaling wine nito. O di kaya pinag-ipunan talaga na okasyon.
"Maybe. So, are you in?"
"Wag na," tanggi niya. "Nahihiya ako at hindi ako sanay sa mga ganyan."
"Come on, Kate. Asawa kita kaya masanay ka na. Ako na ang bahala sa isusuot mo, okay?"
"Eh? Nahihiya talaga ako."
"Nandiyan naman ako e. Hindi kita pabayaan," sabi ni Ace at napalingon sa dalawang batang nakatulog dahil sa pagod.
"Hmm? Hindi ko pa alam e."
"Mahalaga ang gabing iyon sa akin kaya dapat nandoon ka, okay?" pakiusap ni Ace. Solo business niya ito kaya mahalaga ito sa kanya.
"Titingnan ko."
"I'll send you the dress."
Hindi na sumagot pa si Kate. Ayaw talaga niya pero nandoon din ang tuwa dahil sa dami ng babae, siya pa ang pinili ni Ace na makasama bukas.
Pagdating ng bahay, binuhat ni Ace ang dalawang bata. Sa kaliwa ay si Kaitlyn at sa kanan naman ay si Elias.
"Mabigat ang dalawa. Akin na si Kaitlyn," sabi ni Kate.
"Hmm? Ang gaan lang kaya ako na. Kunin mo na lang ang bande na binili nila dahil baka hanapin nila bukas," sabi niya.
"Binilhan mo talaga sila? Matigas pa naman to, baka masira ang ngipin nila," sabi ni Kate.
"Hindi 'yan. Ang asukal lang naman ang matigas pero ang mani ay hindi."
"Okay," ani Kate at sumunod sa asawa na pumasok sa elevator.
"Doon ka na sa unit matulog ha," sabi ni Ace.
"Ha? Sa bahay na."
"At ang mga bata?" tanong ni Ace kaya napasimangot si Kate.
"Minsan lang naman makitulog si Elias e. Pagbigyan mo na."
"Doon na lang si Elias matulog sa amin, tabi sila ni Kate at ako na ang bahala sa kanila," suhestiyon niya. Minsan lang nakikitulog si Elias pero sinasama naman siya.
"Sa bahay na."
"Okay lang sa akin na sa bahay sila, Ace. Walang problema, promise."
"May problema, Kate."
"Ha? Bakit?"
"Gusto rin kita makatabi," pag-amin ni Ace kaya napatingin si Kate sa asawa. Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang elevator at naunang lumabas si Ace saka sa unit nito idiniretso ang mga bata.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...