Unedited....
"Bakit ka nandito, Charlotte?" tanong ni Niel nang pumasok ang dalaga.
"Why? Am I bothering you?" tanong nito at naupo sa harap ng table ni Niel. "Mali ba ang pagpasok ko sa eksena?"
"Stop acting sa harapan ko, Charlotte. Ano ang kailangan mo?"
"I'm just doing you a little favour. Hindi ba dapat na magpasalamat ka?"
"For what? Tingin mo masaya ako sa ginagawa mo?"
"Yes. I think so, Niel."
"Stop pretending, Charlotte. Bakit nandito ka sa company kung may sarili naman kayong company? Paano ka nakapasok dito?"
"I have an I.D kaya pinapasok ako ng guard," sarcastic na sagot ng dalaga.
"Shutup!" galit na saway ni Niel.
"George told me everything. Tingin ko tama lang ang timing ko. Hindi naman malalaman ni Ace," natatawang sabi ni Charlotte dahil parang takot si Niel sa pagpasok niya sa kompanya.
"Hindi mo alam kung gaano ka delikado ang ginawa mo. Sa ginawa mo, binigyan mo lang siya ng idea."
"Chill. Everything is under control."
"No, it is not!" pagsalungat ni Niel. "Tingin mo bobo si Ace? Hindi mo siya kilala, Charlotte!"
"Not so pero magaling akong magdala ng sikreto, Niel. Kaya ko siyang paniwalain."
"Oras na mabuko ka niya, tuloy-tuloy na ang pagdududa niya."
"Hmm? Bago mangyari iyon, kasal na kami or may anak na," sagot ni Charlotte.
"Masyado kang delikadesa!"
"Ganoon nga ako," nakangising wika ni Charlotte. "You know what? Bakit hindi ka na lang magpasalamat at nang mabawasan na ang problema mo. I'm sure kaya mo namang i-keep ang lahat para maprotektahan si Rhea."
Hindi umimik si Niel pero naikuyom niya ang kamao.
"Wag kang makialam, Charlotte!"
"Why? I told yah! Magbabayad kayo ni Kate sa ginawa ninyo sa akin!" may pagbabantang sabi ni Charlotte.
"Wala siyang kasalanan, okay? Ako ang may kasalanan kung bakit pinaasa kita noon. Ilang beses ko bang ipaliwanag na si Kate ang mahal ko kaya nga itinigil ko na ang panliligaw sa 'yo eh!" Ito ang isa sa mga una niyang pinormahan pero nang makilala niya si Kate, hindi na niya itinuloy. Hindi naman niya akalain na seryosohin nito ang mga pasaring niya at si Kate nga ang sinisisi nito sa lahat.
"Palagi mo na lang siyang pinoprotektahan eh halata naman na hindi ka na niya mahal! May iba na siyang lalaki, Niel!" aniya saka lumabas sa opisina ng binata kaya napahilamos ng mukha si Niel.
Tumunog ang cellphone niya kaya agad niyang sinagot ang tawag nang makita si Kate.
"Kate... Nandiyan na ba kayo sa baba?"
"Oo, nasa lobby lang kami. Hinihintay ka na ni Kaitlyn."
"Okay, wait lang ha. Baba na ako," excited na sabi niya saka tinapos ang tawag. Si Kaitlyn na lang talaga ang tulay para mapalapit siya kay Kate.
Kinuha niya ang susi ng sasakyan dahil balak nilang mag-lunch date ng kanilang mga magulang kasama si Kaitlyn.
"May lakad ka?"
Napalingon siya kay Rhea na pumasok.
"Nextime kumatok ka naman," sabi niya.
"Can we talk, please?" pakiusap ni Rhea.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...