5

14.1K 388 18
                                    




Unedited...










"Bakit nandito ka? May kailangan ka?"

"Niel, may nakakita sa inyo ni Kate kahapon," sabi ni Rhea.

"Iginala lang namin si Kaitlyn," sabi ni Ace.

"Manong naman! Hindi pa ba sapat sa 'yo na wala na siyang pakialam sa 'yo?"

"Wala akong pakialam, Rhea! I loved her and I still love her!" madiing sabi ni Niel.

"What? P—Paano ako?" naiiyak na sabi ni Rhea.

"Alam mong hindi kita—please, Rhea. Tama na. Sobra-sobra na ang paghihirap ko sa 'yo."

"Wow! So ano ang tingin mo sa akin? Laruan? Don't tell me na hindi mo ginusto ang mga nangyari sa atin?"

"Lalaki lang ako, Rhea! Gusto ko lang na—"

Hindi nakagalaw si Niel nang mariing halikan siya ni Rhea sa mga labi. Bago pa man niya maitulak ito, naipasok na ng dalaga ang kamay nito sa loob ng kanyang pantalon kaya napaungol siya bilang pagtutol. Agad na tinulak niya si Rhea palayo.

"Let's stop this nonsense!"

"Sorry but as long na gusto ng katawan mo, wala kang magagawa kundi sundin ang gusto ko," nakangising sagot ni Rhea. "Mahal mo pa si Manang Kate pero hanggat nandito ako, hindi mo kayang magpaka-loyal sa kanya."  Malakas talaga ang loob niya lalo na't alam niyang matindi rin ang pagnanasa ni Niel sa kanya. Madalas nitong ipinagsigawan na bilang kapatid lang ang turing sa kanya pero hindi iyon ang isinisigaw ng katawan nito sa ibabaw ng kama.

"Kate," wika ni Niel nang pumasok ang dalaga.

"Heto na ho ang kape mo," sabi ni Kate na kunwari ay wala sa loob si Rhea. "Kung may kailangan ka, sa labas lang ho ako, sir."

"Bye, Niel. See you later sa apartment ko," makahulugang paalam ni Rhea. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Kate ang paghawak nito sa dibdib ni Niel habang inaayos ang jacket.

Naunang lumabas si Kate, dumiretso siya sa CR. Papasok na sana siya nang mapansing sinusundan siya ni Rhea.

"Manang!" tawag ni Rhea kaya tumigil siya.

"May kailangan ka?"

"If I were you, hindi na ako makipagbalikan pa kay Niel."

"If you were me," ani Kate saka ngumiti. "Bakit sa nakikita ko humahabol ka pa rin?"

"Pero si Rhea ako, Manang. Lumaki na akong minahal siya. Ipinagpalit niya ang tiwala mo sa kanya para sa akin kaya malaking bagay iyon para masabing kahit kailan ay hindi ka niya kayang panindigan."

"You know what?" pikong wika ni Kate. "Maganda ka, Rhea. Sexy at mayaman. Wag mo namang pababain ang sarili mo sa taong ginagawa ka lang na parausan."

"Mahal ako ni Niel!" giit ni Rhea.

"Sa loob ng limang taon na nawala ako, ano ang nangyari? Pinakasalan ka ba niya? Binuntis at naging girlfriend? Did he say na mahal ka niya?" matapang na tanong ni Kate.

"Hindi naman kami nagmamadali kagaya ng sa 'yo na nagpabuntis agad!" nandidiring sagot ni Rhea kaya naikuyom ni Kate ang kamao.

"Wag kang mag-aalala, kahit kailan ay hindi na ako makipagbalikan pa sa lalaking walang bayag!" sagot niya pero nagulat nang makita si Ace na bigla na lang lumabas sa CR. Sa pagkakaalam niya ay may sarili naman itong banyo sa office a.

"Sir," bati ni Rhea. "Morning."

"Miss Delos Reyes, pumunta ka sa opisina ko, may sasabihin lang ako," seryoso ang mukhang sabi ni Ace.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon