Author's note:
Utang na loob, tigilan nyo si Tasha rito.😂 Wala siyang kasalanan sa katangahan ng kapatid niya, yun lang😂
Unedited...
"Baby, pili ka lang ng gusto mong damit ha," malumanay na sabi ni Ace nang pumasok sila sa mamahaling store dito sa loob ng SM.
"Talaga, tatay?" lumiwanag ang mukha ng bata habang nakatingala kay Ace.
"Oo naman. Ako ang bahala."
"Eh? Wag mo namang sanayin ang anak ko dahil baka maghanap 'yan at wala akong maibigay," sabat ni Kate. Linggo ngayon kaya niyaya siya ni Ace na mamasyal at mag-shopping kasama si Kaitlyn.
"Nandito naman ako," sabi ni Ace. "Anak ko rin naman siya."
"Hmm? Ini-i-spoil mo ang anak ko," ani Kate.
"Tatay! Gusto ko 'to oh!" sabi ni Kaitlyn sabay turo sa pantalon at jacket na nasa mannequin. Ang kikay lang tingnan kaya for sure mas lalong maganda ito kapag isuot niya.
"Sure," pagpayag ni Ace at tinawag ang saleslady. "Miss, pakikuha naman ng damit, bilhin ko."
Pinasukat kay Kaitlyn ang damit at paglabas ay para itong rarampa sa runway ng mga bata. Modelong-modelo ang mukha at katawan.
"Wow, ang cute naman ng baby ninyo, kamukha ka ng daddy mo." puri ng saleslady.
Napangiti si Ace at hindi na itinama ang babae. Ang sarap lang pakinggan na may nagsasabing kamukha niya si Kaitlyn kahit na hindi naman sila tunay na mag-ama. Ang mga hindi nakakaalam na si Niel ang ama, napagkamalang siya ang ama ni Kaitlyn.
"Sige Miss, kukunin na namin 'yan," sabi ni Ace.
"Yehey! I have a new pair of clothes," masayang sabi ni Ace.
"Sige na, palit ka na," sabi ni Kate at pinalitan ang damit ng anak.
Paglabas nila sa dressing room, may kausap na ibang babae si Ace.
"Tatay!" tili ni Kaitlyn at tumakbo patungo kay Ace saka yumakap sa kanang binti nito.
"Hey, tapos ka na palang magbihis," sabi ni Ace.
"Tatay, karga!" ani Kaitlyn kaya kinarga siya ni Ace.
"Ang ganda naman. Anak mo?" tanong ng babaeng kausap kanina ni Ace.
"Yes," sagot ni Ace sa babaeng nagtanong lang kung saan banda ang Shakeys pero halata namang nagpapapansin lang kay Ace.
"Tatay, who is she?" tanong ni Kaitlyn na nakatingin sa babae. "Hinihintay ka na namin ni Nanay eh."
"Sorry, baby. Excuse us, miss," paalam ni Ace at iniwan ang babae saka lumapit kay Kate. "Yan lang ba ang bibilhin mo?"
"Nagmamadali ka ba?" tanong ni Kate na namimili ng iba pang damit ni Kaitlyn.
"Hindi a. May oras ako para sa inyo," sagot ni Ace at ibinaba si Kaitlyn para mamili ng mga laruan. "Wag kang bumaba ng elevator ha. Dito ka lang, okay?"
"Yes, tatay."
"Bili ka rin ng damit mo," bulong ni Ace saka inakbayan ang asawa. "Sige na, libre kita."
"Marami pa akong damit," sagot ni Kate.
"Hmm? Eh di dagdagan natin," ani Ace.
"Wag na," ani Kate saka inalis ang kamay ni Ace at hinarap ito. "Bakit mo hindi sinabi sa kanila ang totoo?"
"Aling totoo?" tanong ni Ace.
"Alam naman natin na si Niel talaga ang ama ni Kaitlyn," sabi ni Kate at muling tinalikuran ang asawa saka kunwari ay pumipili ng mga damit.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...