37

14.6K 490 77
                                    












Unedited...











"Morning, Kate," masiglang bati ni Sam.

"Morning," bati ni Kate na napansin ang pagtinginan ng mga kasama. "Okay lang ba kayo?" Kinakabahan siya. Baka kasi alam na nila ang nangyari kahapon kaso syempre mga bosses naman ang nandoon at hindi tsismoso't tsismosa ang mga ito.

"Di ba secretary ka ni Sir Ace? Baka alam mo kung may asawa na siya o wala?" tanong ni Faye.

"Oo nga. Sabi ni Boss may asawa na raw si Sir at nandoon sa meeting kahapon. Nakita mo ba?" tanong ni Sam.

"H—Hindi ko—" Kate.

"Tama na nga ang pagkukunwari!" diretsahang sabat ni Winwin. "Magkaibigan naman tayo, Kate kaya aminin mo sa amin ang totoo. Mag-asawa ba kayo ni Sir Ace?"

Napakagat sa ibabang labi si Kate. Secretary pala ang mga ito ng mga boss kaya malamang alam nila ang nangyari kahapon sa meeting.

"At naniwala naman kayo?" sabat ni Charlotte na palapit sa kanila. "For sure ginawa lang 'yon ni Ace para hindi palabasin si Kate at hindi mapahiya."

"Busy ako ngayon kaya sa sunod na lang tayo mag-usap," sabi ni Kate.

"Why? Gusto mo pang bigyan sila ng idea para kunwari ay asawa mo si Ace? Kaya ba ayaw mong aminin na palabas lang iyon dahil gusto mong madikit sa kanya?" may panunuyang sabi ni Charlotte saka hinarap ang mga secretay. "Girls, wag kayong maniwala sa ambisyosang 'to. Masyado lang siyang desperada dahil hindi siya kayang panindigan ni Niel kaya si Ace na naman ang target niya."

Hindi sila nakaimik dahil mga takot na mapaalis sa kompanya.

"Morning po," bati ng lalaking lumabas sa elevator na may dalang isang bouquet ng white tulips. "Si Ma'am Kate Delos Reyes po?"

"Ako po," sagot ni Kate kaya lumapit sa kanya ang delivery boy.

"Ma'am, delivery lang po. Pakipirma na lang," magalang na sabi niya sabay bigay kay Kate ng dalang bulaklak.

"Kanino ho galing?" tanong niya.

"Sa asawa nyo ho," sagot nito at kinuha ang papel na pinirmahan ni Kate. "Sige po, Ma'am. Salamat ho."

"Uy, sana may pa-flower!" nakangiting sabi ni Sam nang tinalikuran sila ni Charlotte.

"Wow! May pa-tulips. Uy, aminin mo na kasi, kasal na ba talaga kayo ni Sir Ace?"

"Bahala kayo kung ano ang paniwalaan ninyo," sagot ni Kate at inayos ang bulaklak sa ibabaw ng mesa.

"Uy, kay Sir Ace galing 'yan, ano?"
tukso ni Faye.

"Tigilan ninyo ako," ani Kate na walang balak umamin o tumanggi dahil mukhang wala namang maniwala sa kanya e. Isa pa, ayaw niyang ipagmalaki ang relasyon nila ni Ace.

"Uy, pero nasa ninety nine percent nang naniniwala ako na totoo ngang may relasyon kayo ni sir Ace," kinikilig na sabi ni Sam.

"Nagkape na ba kayo?" pag-iiba ni Kate.

"Ay, kanina pa ako sa bahay," sagot ni Faye.

"Ako rin, nag-Mcdo kami ni Winwin bago pumunta rito," sagot ni Sam.

"Si Diane?" tanong ni Kaye.

"Nasa office ni Sir Niel, pinatawag siya e."

"Ako na lang bababa. Kapag dumating si Sir Ace, nasa cafeteria lang ako ha," paalam ni Kaye dahil kulang pa siya sa tulog. Mula nang matapos ang meeting kahapon, hindi na sila nag-usap pa ni Ace. Tinatawagan siya nito kagabi pero hindi niya isasagot. Hindi kasi niya alam kung ano ang mukhang ihaharap.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon