A/n:
Again, fiction lang ito. Kathang-isip ng seksi kong utak kaya may mga point of view at linya na hindi makatotohanan or hindi ninyo sasang-ayunan. Syempre iba-iba naman tayo ng paniniwala at panindigan sa buhay🥰
Syempre may mga exaggerated din naman na lines etc. Again, fiction lang po ito.
Basahin nyo na lang hanggang maisulat ko ang wakas sa dulo ng kwentong ito...🥰
Unedited...
"May gusto ka bang kainin o bilhin?" tanong ni Niel habang naglalakad sila sa Festive walk. Buhat niya si Kaitlyn na pagod na sa kakatakbo.
"Wala," sagot ni Kate.
"Daddy, gusto ko ng fishball," sabi ni Kaitlyn.
"Sure baby," pagpayag ni Niel at lumapit sa nagtitinda ng fishball. "Manong, limang piraso ng fishball. Gusto mo, Kate?"
"No," sagot ng dalaga.
"Niel," tawag ng ama na palapit sa kanila. "Kate? Hija, is that you?"
"Dad," ani Niel.
"Kaninong anak 'yan?" tanong ni Troy sa anak.
"Anak ko ho," agad na sabat ni Kate.
"Daddy, gusto ko po ng juice," nakalabing sabi ni Kaitlyn kaya napatitig si Troy sa bata.
"May anak ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Troy na kay Niel ang mga mata.
"She's my daughter, dad," pag-ako ni Niel na ikinagulat ng ama.
"Ha? May anak kayo?"
"It's a long story, dad. I'm sorry," paumanhin ni Niel.
"Bakit hindi natin pag-usapan ito?"
"Dad, namamasyal lang ho kami ni Kate. Nextime na," sabi ni Niel dahil alam niyang hindi pa handa si Kate. Isa pa, kailangan pa niyang paghandaan ang sasabibin sa pamilya.
"Birthday ng mommy mo bukas, isama mo sila sa bahay."
"T—Tito—"
"Hija, hindi ka na bago sa pamilya namin," magiliw na sabi ni Troy at tiningnan si Kaitlyn. "Ang ganda-ganda ng apo ko, mana sa lolo."
"Sir, ito na ang fishball," sabi ng nagtitinda kaya nagbayad na si Niel.
"Juice pa ho," sabi ni Niel.
"Maiwan ko na kayo ha. See you sa bahay bukas, hija," paalam ni Troy at iniwan na sila.
"I'm sorry," paumanhin ni Niel. "Kung hindi ka makapunta bukas, okay lang."
"Nextime hindi na ako sasama kung ilalabas mo si Kaitlyn!" madiing sabi niya. Naglalakad sila kanina nang makita ni Niel kaya wala siyang choice kundi isama ito dahil gusto rin ni Kaitlyn.
"Gusto ko nang umuwi," sabi ni Kate kaya naglakad sila pauwi sa condo.
"Dito pala kayo nakatira. Aling floor ba?"
"Hanggang dito na lang, salamat," pasalamat niya nang makarating sila sa building.
"S—Salamat sa time," pasalamat ni Niel. Ang totoo ay sinadya talaga niya ang pagkikita nila kanina. Alam niyang madalas na ipinapasyal ni Kate ang anak sa ganitong oras kaya inabangan niya. He loves her at gagawin niya ang lahat makuha lang muli ang loob nito.
Tumango si Kate at pumasok sa building.
"Kate!" tawag ni Tasha na nasa elevator na.
"Hello, Madam," magalang na bati niya at napatingin sa pogi nitong anak. "Yan na po ba ang anak mo? Ang pogi po."
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...