Unedited...
"May iutos ka pa?" tanong ni Kate nang pumasok sa opisina ni Niel.
"Okay lang ba na hiramin ko si Kaitlyn mamaya?" tanong ni Niel. "Ahm, gusto ko lang siyang bilhan ng laruan. Please, gusto kong bumawi sa anak natin."
Iniwas ni Kate ang tingin kay Niel. Ayaw niyang magpalinlang dito pero ama pa rin ito ng anak niya.
"Huwag mo sanang isara ang pinto para sa aming mag-ama, Kate. Kahit para na lang kay Kaitlyn."
"Sige, daanan mo siya mamaya," pagpayag niya. "You know na mahalaga siya sa akin, Niel. Siya na lang ang mayroon ako. Sila ni Tatay."
"Promise, gusto ko lang magpakaama."
"Daanan mo na lang after ng duty."
"Ahm... Kate? Pwede bang sumama ka?" pakiusap ni Niel. "Kasi hindi pa kami nagkasama ni Kaitlyn kaya baka umiyak siya. Syempre kapag nandiyan ka, walang problema, 'di ba?"
"Ayaw kong pag-usapan tayo, sir. Kung gusto mong bumawi sa anak natin, kuhanin mo ang loob niya."
"Kahit ngayon lang, Kate. Mahirap makisama sa batang hindi naman ako ang kinakalikan niya. Sana maunawaan mo ako."
Naikuyom ni Kate ang kamao. Ano pa bang pag-unawa ang gusto nito? Ang hustle sa side niya na siya pa ang mag-adjust.
"Please," pagsusumamo ni Niel.
"Pero hindi ako tatagal dahil may gagawin pa ako," napilitang sabi ni Kate.
"Thank you, Kate. Thank you so much," masayang pasalamat ni Niel kaya lumabas na si Kate.
"Alam mo bang may bali-balitang gusto mo raw ang president natin?" bulong ni Winwin kay Kate nang maupo ito.
"Sino nagsabi?" tanong niya.
"Hindi ko alam pero iyon ang sabi ng ibang department sa baba lalo na sa designing," sagot ni Winwin.
"Dating magkaklase sina Sir Niel at Kaitlyn kaya magkakilala talaga sila. Wag mo ngang bigyan ng malisya," saway ni Sam.
"Talaga?" bulalas ni Winwin.
"Tahimik na, baka marinig pa tayo," saway ni Kate.
"May boyfriend ka na ba, Kate?" tanong ni Sam.
"Wala," sagot niya at binuksan ang laptop. Napasulyap siya kay Ace na kakalabas lang ng elevator.
"Eh asawa?" tanong ni Sam na hindi napansin ang pagdating ni Ace. "May asawa ka na ba, Kate?"
"W—Wala," mahinang sagot niya. Sana lang hindi narinig ni Ace. Di na bale, pareho naman silang single sa harap ng lahat e.
Isa pa, nakakahiya kasi pinatulan siya ni Ace kahit pa sabihing tinulungan lang siya nito. Sobrang bait nito para ipahiram ang pangalan sa kanya.Napabuntonghininga siya nang maalala ang nakaraan sa Espanya.
........FLASHBACK....
Ito na yata ang pinakamabilis na takbo niya sa buong buhay niya dahil kapag mahuli siya ng pulis, patay siya. Maliban sa mabalita siya, baka dito na siya mamamatay sa Espanya sa loob ng kulungan.
"Watch—uhm!"
Huli na para makaiwas siya. Nang paliko siya ay nakabunggo siya ng tao at dahil mabilis ang pagtakbo niya ay malakas din ang impak kaya pareho silang natumba. Napapikit siya nang maramdaman ang malambot na katawang sumalo sa kanya.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...