Chapter 10

54 2 0
                                    

Peruvian immediately grab his jacket and put his shades in his head. Pababa na siya sa eroplanong sinasakyan, ngayon na ang kasal ni Magnus sa Maldives. Hindi na siya makapaghintay pa, aside of his excitementy for his friend, hindi na rin siya makapaghintay na makita si Romary.

"Here i come," he smile widely as he step his feet down the road. Hindi naman siya nahirapan dahil nakita niya rin ang magkakapatid na Shaw. Agad siyang lumapit kay Vittos na tila kasabayan niya ring bumaba sa isang private plane.

"Dude!" tawag niya rito. Agad siyay nitong inakbayan at ginulo ang buhok.

"Ahh! Damn it, isang oras ko 'yang inayos, gago ka!" he hissed.

"Anong nakain mo...ang aga mo yata?" tanong pa ni Vittos sa kaibigan.

He just roll his eyes and tap his shoulders. "Actually, na-e-excite ako sa mga babae dito, Magnus told me that Maldives is a fucking heaven."

"Dude, kahit saan talaga, ang manyak mo!" Tapik pabalik ni Vittos saka lumakad na rin. Sakto na rin at nakisakay si Peruvian sa magkakapatid.

"Oh, who's here?" tanong pa ni Peruvian nang makasampa sa itim na Van. Well, tahimik lang sina Vlad at Vance na noo'y nakasanayan na si Peruvian.

"Eeey, nandito pala kayo, bro." Feeling close na sambit nito sa dalawa.

Isang irap lang ang ginawa nila Vlad. As usual, they are still cold as ice to him. Naiingayan kasi sila kay Peruvian, dinaig pa yata ang mama nilang pinaglihi yata sa microphone.

"Opps, my bad, may mestruation yata sila ngayon, Vittos..."

"Parang hindi ka naman nasanay..." dugtong pa ng kaibigan saka nagsindi ng sigarilyo.

"Hey, open that fucking window!" kalampag ni Veil na siyang may pinakamaarteng attitude sa kapatid ni Vanna.

"Oh, fine." Walang nagawa sina Vittos at Peruvian, while chilling their sticks.

"Now, tell me, sino ba 'tong sinasabi ni Austin na sasali sa atin?" medyo curious na tanong ni Vittos.

"Oh, yeah. He's Flinn, from Croatia."

"And the background?"

"I'll send his portfolio, for now, ang alam ko lang ay teritoryo niya ang Croatia."

"Hmm, gan'on ba? how come he'll ditch his throne for a woman?"

"I don't know." Pinal na sagot ni Peruvian.

"He's insane." Pagkaklaro pa ni Vittos.

Biglang nagbuga ng usok si Peruvian saka nilingon ito. "You tell that, 'cause you didn't experience to fucking fell in love."

Umismid si Vittos saka nagasalita. "Look who's talking now..."

Mahinang natawa si Peruvian, "Ha! Hindi mo lang alam..."

"Oh? really. Isang himala na yata kapag na-in-love ka, dude. Walang nagtatagal na babae sa'yo, tandaan mo 'yan."

Rumihestro sa mukha ni Peruvian ang pagiging seryoso na may bahid ng lungkot. Maybe Vittos is correct, baka hindi siya mapalad sa mga babae. Lahat kasi ng minamahal niya'y napapahamak, lahat din babaeng seneseryoso niya...namamatay.

"Come on, malapit na tayo," untag ni Veil na nakaupo sa front seat. Walang imik naman ang dalawang sina Vance at Vlad sa may likuran nila.

Tinapos ni Peruvian ang sigarilyo saka itinapon ang upos ng sigarilyo sa bintana. Nakita niya kung paano kakalmado ang karagatan, tila malungkot ito, hindi rin kasi maaraw sa oras na 'yon, medyo nagbabadya ang ulan sa kalangitan at idagdag pa ang malamig na hangin na siyang nararamdaman ng mukha niya mula sa bintana.

Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon