Chapter 31

29 2 0
                                    

Nang magkaroon ng pagkakataon si Peruvian na makausap ang isa sa mga haligi ng TRIAD, na isang organisasyon ng underground world, ay hindi na siya nagdalawang isip na humingi ng proteksyon. He asked security in return of his free service being an elite assassin. After driving, he finally arrived in their place. Isa lang ang nasa isip ni Peruvian that time, iyon ay ang malaman ng talaan ng organisasyon. Romary said about the organization, ito ang pwedeng makasagot sa lahat ng katanungan niya. Ang totoong pagkatao niya, at detalye ng totoo niyang mga magulang.

Nandoon ang lahat ng listahan ng mga grupo na sakop nito, maging ang ibang grupo na sila mismo ang kontrolado.

He clear his throat as he start to botton his suit. Malaya siyang naglakad papasok sa mansion ng mga Collins. Ito ang namamahala sa estado ng grupo dito sa Pinas.

"Password?" saad ng lalaking nakasuot ng itim, nakashades at gaya niya'y kagalang-galang ang suot.

Tiningnan ito ni Peruvian saka nagsalita. "Mercenary." Mahinang sambit niya saka ipinakita ang appointment slip na ibinigay ni Romary. Iyon ang basehan ng mga guwardiya na may scheduled meeting ito sa pinuno ng organisasyon.

"Confirmed." Sabi pa ng lalaki saka nag-scan ng kaniyang katawan. Inilahad din ni Peruvian ang kaniyang dalang baril bago pa siya tuluyang makapasok. Matapos ang sistemang iyon ay nagtuloy-tuloy na siya sa loob ng elevator. Pababa ito sa underground, na mismong opisina ni Ax Collins. Ang pinuno ng samahan.

Saktong pagpanaog niya sa elevator ay bumungad sa kaniya ang apat na kalalakihan, armado ito at halatang hinihintay ang pagdating niya.

"Please wait." Tipid na sambit nito kay Peruvian at pinaupo sa isang swivel chair na kulay pula. Tahimik siyang naghintay hanggang sa dumating ang pigura ng isang lalaki. Hindi kalakihan ang katawan nito, mayroon itong mahaba at kulot na buhok at suot nito ang isang simpleng Tshirt na kulay puti. Naka-jeans lang ito habang nakasabit naman sa dibdib niya ang black shades. Naninigarilyo ito at walang ganang naglakad sa kaniyang direksyon.

"You...who are you?" walang emosyong sambit ni Ax kay Peruvian.

"I am Peruvian, the mercenary."

"Hmm, anong ginagawa mo rito?" saad pa nito sa wikang Tagalog. Batid niyang nakakaintindi ito sa lengwahe na iyon, kahit nakikita niyang may ibang lahi ang hitsura nito.

"I need the black book. I want to know something..."

"Hmm, interesting...ano ang gusto mong malaman?" ipinagdikit nito ang nga daliri saka naglakad papalapit sa kaniya.

"My parents..." tipid na sambit niya.

"At bakit?" dugtong ulit ni Ax na noo'y nililibot ang direksyon niya. Tinitingnan nito ang kaniyang kabuuan na para bang sinusukat ang kaniyang kakayahan. His eyes are searching something. He is indeed dominant and aggressive, ramdam ni Peruvian na kung magkakamali siya ng sagot rito'y baka gilitan siya bigla sa leeg.

"I want to know my roots, i want to know how i became like this. Gusto kong malaman ang katotohanan..." paglilinaw pa niya rito.

"But, before that, kailangan mo munang sumang-ayon sa patakaran ko..." bahagya itong ngumisi saka ibinigay ang isang papel.

"Sealed it with your signature first." Ubod tamis na ngiti nito. 

Dahan-dahang kinuha ni Peruvian ang papel at pinirmahan ito. Kahit basahin man niya ito, alam niyang iisa lang din ang gusto ng grupo, ang kaniyang kakayahan, ang gamitin siya, ang manggamit at gatasan siya.

"Oh well, take him now..." sabi nito sa apat na tauhan, hindi alam ni Peruvian ang susunod na magyayari dahil tinakpan na siya ng mga ito gamit ang itim na sako na siyang ipinatong sa kaniyang ulo.

Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon