Matapos ang pangyayaring iyon ay nagbalik ang dati nilang samahan. Nagpatawad sila para makausad sa kanilang sitwasyon. Iyon ang unang simula para sa pagbabago. Iyon ang tanging hinihintay ni Peruvian at Romary.
"We are happy for the two of you, hija." Sabi pa ng ginang na noo'y hawak ang baso ng juice. Sabay silang kumakain ngayon sa hapag. Kasama nila sina Peruvian, si Charlotte at ang matandang dhaligi ng tahanan.
"Maraming salamat po."
"I can't wait for our outing, tita...or should i call you now, ate?" ngiti ni Charlotte kay Romary.
Natawa silang lahat saka nagpatuloy sa kinakain. Luto iyon ni ginang Jaranilla.
"Ang sarap po ng niluto mo, lola!" puri ni Peruvian sa ginang.
"Naku, apo. Si Romary ang nagturo sa akin n'yan." Sabi pa ng ginang na agad inabot ang braso ni Romary at marahang tinapik. "Salamat nga pala, hija." Pasasalamat pa nito bago sinimulang magsandok ng kanin.
"Walang anuman po."
"Heto, kumain ka pa, dapat ay hindi ka nagpapagutom. Naku, dapat ay maraming sustansya ang katawan mo, lalo pa ngayon na nagdadalang-tao ka na pala. Naku, hindi na kami makapaghintay..." napapalakpak pa ito sa tuwa.
"Don't worry, lola. I will make sure about that..." ngiti pa ni Peruvian sa oras na iyon.
"Anyway, we must have to go after this, malayo pa ang biyahe natin." Sabi pa ni Charlotte na excited nang gumala sa Palawan.
"By the way, apo...nasabi nilang may plano ka palang maging model," sabi ng ginang kay Charlotte. Bahagya itong humalukipkip saka nahihiyang tumango. "Opo, kung papayagan n'yo po akong..."
"Don't worry, apo. Hindi ka namin pipigilan sa kung anuman ang makakapagpasaya sa'yo." Sa sinabing iyon ng ginang ay hindi maiwasan ni Charlotte na mapayakap sa kaniyang lola.
"Maraming salamat po!" yakap pa nito sa ginang.
"Oh s'ya! sya! Tama na at baka umiyak na naman tayo." Saway ng ginang na masaya na rin para sa apo.
"I love you, la."
"I love you more," sabi nito sa dalaga. Hindi naman kasi maitatago na mahal na mahal ng matatanda ang dalaga.
Matapos nila ay agad na silang naghanda sa pag-alis. Isang linggo sila sa Palawan para gumala at magbonding, iyon na rin ang regalo ni Peruvian sa pamilyang matagal na niyang gustong makita.
Excited ang lahat dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang sila magkakasama-sama nang buo.
Papunta na sila sa airport at piniling sumakay ng commercial plane, mas pinili kasi ng mag-asawang Jaranilla na maging normal ang lahat, at nais din nilang hindi gumastos nang malaki si Peruvian. They are waiting to board that time, at heto nga't nakapila na dahil nag-uumpisa na ang terminal gate nila. Nang makapasok ay hinintay nila ang isa't-isa. Lima silang lahat papunta sa Palawan. Walang masidlan ng tuwa sina Romary at Peruvian sa oras na iyon.
"Alright." Sabi pa ni Charlotte na kakatapos lang ilagay ang hand baggage sa compartment na nasa itaas nila.
Ilang saglit pay naupo na rin sina Charlotte at Peruvian pati na rin ang dalawang matanda na nakahilera sa parehong seat.
Habang hinihintay nila ang pag-take off ng eroplano ay nagkwentuhan muna sila. Kasabay din n'on ay ang pag-alok ni Romary kay Charlotte ng isang oppurtunity.
"So, kinausap ko si Raine, ang kapatid ni Austin..." bungad nito kay Charlotte na katabi lang niya.
"Hmm, bakit, ate?"
BINABASA MO ANG
Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞
Teen FictionPERUVIAN FUEGO aka the MERCENARY. He is unknown. He has no details, no birthdate, no parent's information, a literal shadow that doesn't exist. He's been raised and trained to kill without mercy by his organization, held and managed by a professiona...