Sa mga oras na iyon ay kaharap nina Romary at Peruvian ang mga matataas na opisyal ng asosasyon. They are now offering their freedom, as Peruvian finished the ordeal of being an assassin. Iyon na ang pinakahihintay nito, ang magkaroon ng panghabambuhay na kalayaan, magkaroon ng bagong buhay at makasama ang kaniyang mahal sa buhay.
"Today, we are now giving you your completion seal, Peruvian. Here." Sabi pa ng isang matandang hawak ang isang gintong selyo.
Dahan-dahang kinuha iyon ni Peruvian at masayang inilagay sa kaniyang bulsa. "Thank you."
"You can go now," sabi pa nila kay Peruvian at Romary. Hawak-kamay ang mga ito habang palabas ng malaking bulwagan sa lugar na iyon. This will be their last day in Poland, after they buried Don Sevus, and settled some documents. Ipinaalam din nila kay Candice ang nangyari at doon nga'y ipina-transfer ang ibang ari-arian sa pangalan nito.
Nang mga oras na iyon ay pupuntahan nila si Remary. Nasa hospital kasi ito dahil nagbabantay sa nobyo nitong si Lemuel.
"Come on, babe." Pinagbuksan ni Peruvian ang asawa, inalalayan din nito ito para makaupo nang maayos.
"Thanks." Nang makasakay si Romary ay agad namang gumilid si Peruvian at sumakay sa driver's seat.
Habang nasa daan sila ay kampante silang tumingin sa isa't-isa. They all know that eventually, things are not the same anymore. Napangiti pa si Romary habang hawak ang kanang kamay ni Peruvian.
"I am excited to go home..." sabi pa nito.
"Me, too." Tipid na sambit nito.
Nag-usap sila ng isang magandang negosyo. Apat na buwan na lang at magsisilang na si Romary ng kaniyang baby. They must start and settle themselves away from their past, malayo sa Poland, away from troubles.
"Alam mo...may naisip ako..." sabi pa ni Romary kay Peruvian.
"What is it, babe?"
"I want to write a novel..."
"A novel?"
"Yes, a novel."
"About?"
"About two different people that found love in the wrong place and in teh wrong time..."
"Sounds tragic..." sabi naman ni Peruvian.
Romary shake her head. "Not that...kind of tragic, gusto kong isulat ang kwento natin," pagkaklaro pa ni Romary sa asawa.
Napatingin sa gawi ni Romary si Peruvian saka ngumiti. "That's a great idea, babe. I'll support you." Sabi pa nito.
Mayamaya pa ay nandoon na sila sa hospital, pinagbuksan ni Peruvian si Romary at inalalayan pababa. "Thank you," ngiti nito.
"My pleasure." Sabi naman ni Peruvian.
Hawak-kamay silang pumasok sa gusali at pumunta sa kwarto ni Lemuel. Hindi mahirap mahanap ang kwarto nito since nasabi rin ito sa kanila ni Remary kanina. Nang makapunta sa tamang palapag ay dahan-dahan silang kumatok sa mismong kwarto. Doo'y pinagbuksan sila ni Remary.
Mugto ang mata nito at makikitang walang tulog o pahinga.
Tipid na ngumiti ito sa kanila.
"May we come in?" si Romary.
"Uh, pasok kayo." Ngiti naman pabalik sa kanila.
Nang makapasok ay nakita nilang wala pa ring malay si Lemuel. Nakabenda ang mukha nito at may mga sugat sa iba't-ibang parte ng katawan. Makikitang naghirap talaga ito sa kamay ni Don Sevus. Ang sabi kasi sa kanila ni Remary ay nadakip itong tumatakas at dala ang malaking amount ng money, iyon ang perang itinago nilang dalawa ni Remary para sana makapagsimula ng bagong buhay. Ilang ulit itong pinahirapan at minaltrato ng mga tauhan ni Don Sevus. Kamuntikan na itong malagutan ng hininga.
BINABASA MO ANG
Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞
Teen FictionPERUVIAN FUEGO aka the MERCENARY. He is unknown. He has no details, no birthdate, no parent's information, a literal shadow that doesn't exist. He's been raised and trained to kill without mercy by his organization, held and managed by a professiona...