Tahimik na nakatingin si Peruvian sa mukha ni Romary. Mahimbing ang tulog nito sa oras na iyon. Hindi niya alam pero parang may kung ano siyang nararamdaman na hindi tama. Wari niya'y may ibang nangyayari sa oras an iyon nang hindi niya alam. Ramdam niya ang kirot sa sugat sa kaniyang tiyan, pero nakabenda na iyon. He doesn't know if what exactly troubled him that time, may mumunting tinig sa taenga niya na nagsasabing ang lahat ng nangyari ay isang set-up.
"Hijo?" nagulat siya nang marinig ang boses ng lolo niya. Tinapik siya nito sa balikat.
"Lo?"
"Hijo, ako na ang magbabantay sa kaniya. Magpahinga ka muna."
Marahan siyang umiling. "Don't worry, kaya ko po." Ngiti niya sa matanda. Sa pagkakataong iyon ay 'di inaasahang magising si Romary. Dahan-dahan itong ngumiti sa gawi niya.
"R-romary...babe, gising ka na..." masayang bungad nito sa kasintahan, agad niya itong hinalikan sa noo at sa kaniyang mga labi. After doing that, ay napansin niya ang kakaibang pakiramdam. Parang nagtataksil siya sa puso niya. Hindi niya maipaliwanag.
"Peruvian..." tawag pa nito sa pangalan niya.
"Bakit?" untag ni Romary sa kaniya, while looking at his blank face. Umiling siya saka muling ngumiti.
"Nothing," he reach her hands and kiss it. Muling naramdaman ni Peruvian na may mali.
Hindi pa nga nagtagal ay may pumasok sa kanilang kwarto, it was Charlotte and Raine.
"Kuya! Kuya!" habol-hiningang sambit ng mga dalaga.
Napalingon si Peruvian sa oras na iyon.
"Oh bakit?"
"Kuya, nagising na si kuya Michael..." sabi pa ni Raine. Madaling napatayo si Peruvian, but he felt that Romary grab his hands.
"Dito ka lang..." masuyong sambit nito sa kaniya.
Hindi tuloy niya maiwasang magtaka. Masama talaga ang kutob niya sa oras na iyon.
"Sandali lang ako..." sabi pa ni Peruvian sa kasintahan. Walang nagawa si Romary nang bawiin ni Peruvian ang kamay at madaling nagtungo sa kabilang kwarto. Doo'y nakita nilang inaasikaso ng mga nurse at doktor ang ginoo. Nasa gilid naman ang asawa ni Michael na nasisiyahan sa pagmulat ng asawa.
"Michael..." anas ni Peruvian na nasa gilid sa oras na iyon. Hintatakot na iniangat ni Michael ang kaliwang kamay at gustong abutin ang distansya ng binata. Dahan-dahan namang lumapit si Peruvian saka dumukwang sa mukha nito, tila may guston itong sabihin sa taenga niya. Nang malapitan na silang dalawa ay dahan-dahang binulong ni Michael ang mga salitang iyon.
You're in danger, man...She will kill you!
Matapos n'on ay nabitawan na siya nito. "What are you saying, Michael? Who is she?" takang tanong ni Peruvian.
"You're bride to be..."
Gulat na napaatras si Peruvian saka umiling. "That can't be..." mahina niyang usal.
"Believe me, nakita ko siya sa CCTV! Siya ang gumawa sa akin nito! She's the enemy, Peruvian!" naghuhurumintadong sambit ni Michael. Dahil d'on ay mabilis siyang pinalibutan ng mga nurse. "Calm him down!" Helena added, dahil concern ito sa asawa.
"He's hallucinating, Peruvian. Huwag ka munang lumapit sa kaniya...please." Dugtong pa ni Helena.
"Baka dahil sa gamot..." sambit pa ni Raine na nasa likuran ni Peruvian.
"Okey ka lang ba, kuya?" dugtong naman ni Charlotte sa kaniya. Hindi umimik si Peruvian saka dahan-dahang umalis. Nang bumalik siya sa kwarto ni Romary ay nakaupo lang ito sa kama habang nakasandal ang likuran.
BINABASA MO ANG
Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞
Teen FictionPERUVIAN FUEGO aka the MERCENARY. He is unknown. He has no details, no birthdate, no parent's information, a literal shadow that doesn't exist. He's been raised and trained to kill without mercy by his organization, held and managed by a professiona...