Nang mga oras na iyon ay nagising na si Romary. She felt the pain in her abdomen, alam niyang dahil iyon sa tahi at pansin din niya ang pagkawala ng baby bump niya doon.
"Where's my baby?" Tanong niya sa kawalan. Nandoon ang isang nurse na abala sa pagcheck ng vital signs niya.
"You're awake..."
"Nurse, nasaan ang baby ko?" Medyo nag-aalala na tanong niya rito.
"The baby is fine, naka-incubator pa ito, kailangan pa namin siyang i-monitor sa ngayon. Pero fighter ang baby mo, lumalaban siya." Pampalubag-loob na sambit ng nurse.
"Gan'on po ba?"
"Yes, maam. Nga po pala, ano po ang ipapangalan mo sa baby girl mo, maam?"
Bahagya siyang nag-isip saka seryosong tumingin sa nurse. "I will give her the combination of our names, Phoebe Malori, Phoebe Malori Fuego." Sambit pa ni Romary sa nurse.
"Sige po, maam."
"Thank you."
Matapos n'on ay nagpaalam agad ito para lumabas. Ilang sandali pa ay pumasok si Remary, dala nito ang isang tray ng pagkain. Nakikita sa mukha nito ang pagsisisi. Tila may gusto itong sabihin at may kutob si Romary na may sadya ito.
"Romary..." mahinang sambit ni Remary sa kakambal.
Romary just smile to her.
Umupo ito sa gilid ng kama ni Romary saka dahan-dahang inilapag sa bedside table ang tray ng pagkain saka nagsalita. "Romary....i am so sorry. Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to, ako ang may sala kung bakit kayo tinatarget ni Mr. Chan. Hindi ko naman kasi akalain na magkakaganito..." bungad pa nito. Ang histura nitong palaban ay tila naiba dahil sa kaniyang pagsinghot at unti-unting pag-iyak.
"Shhh, tahan na. Wala kang kasalanan...hindi magkakaganito kung tanggap niya ang desisyon mo, he is afraid to accept the truth, Mary." Suhestyon naman ni Romary sa kakambal.
"Salamat, sis. Akala ko talaga magagalit ka. Ayokong pati ikaw ay mawala sa akin, you don't deserve these things..." paglilinaw pa ni Remary na ang ibig sabihin ay ang sitwasyon niyang iyon.
Romary shake her head.
"No worries. Everything will be alright, alam kong hindi pa huli ang lahat..." Sabi pa niya rito.
"Ah, nga pala nagdala ako ng pagkain. Kumain ka muna. Alam kung gutom ka na, teka, tanong ko lang, nakadighay ka na ba? Nakaotot ka na ba?"
Kumunot ang noo ni Romary? "Bakit?"
"Sabi kasi ng doktor, dapat ay nakadighay ka na, bago ka kumain o uminom ng kahit ano.
Sa sandaling iyon ay sakto namang umotot si Romary. Hindi tuloy nila mapigilang matawa na dalawa.
"O ayan, okey na ba 'yon?" natatawang sambit pa ni Romary.
"Oo, okey na 'yon. Sige. Heto ang mga pagkain. Mga light foods lang naman ito. Sandwich, macaroni soup saka fried egg na malasado."
Ngumiti si Romary. "You knew my favorites..."
"Syempre, kambal kita eh!" ngiti naman ng dalaga sa kaniya.
Mayamaya ay sumiksik sa utak ni Romary kung nasaan na si Peruvian. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya ito nakikita.
"Uh, Remary, tanong ko lang, nakita mo ba si Peruvian sa labas?"
Sa tanong na iyon ni Romary ay hindi maiwasan ni Remary na maubo at manerbyos. Hindi pa kasi nila pwedeng sabihin ang totoo, dahil baka mabinat ito o kaya ay mapasama ang kalagayan.
BINABASA MO ANG
Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞
Teen FictionPERUVIAN FUEGO aka the MERCENARY. He is unknown. He has no details, no birthdate, no parent's information, a literal shadow that doesn't exist. He's been raised and trained to kill without mercy by his organization, held and managed by a professiona...