Nang makarating na sila sa isla ay isa-isang pumanaog sina Paris, katunayan, may kasabay din silang isang yate na halos 'sing laki rin ng sinasakyan nila, doo'y pumanaog ang isang lalaki at babaeng parang sekretarya dahil sa dami ng dalang bags at mga gamit.
"Oh, Alfred, please help us." Tawag pa ni Paris sa lalaking nagngangalang Alfred. Hindi ito kilala ni Peruvian, but it seems malapit ito sa mga kaibigan ni Vanna. Gan'on din si Romary na masayang nakipagbatian sa mga ito. Hindi mapigilang mapatiim-bagang si Peruvian sa nakikita. He felt mad as he stare to that guy, holding Romary's hands.
"Oh, ano pang hinihintay mo riyan?" untag ni Vittos sa kaibigan dahil nakatulala na naman ito habang nakatingin sa malayo.
"Chop! Chop! Tara na." Ngisi pa nito na nakipagsabayan na sa kumpol ng mga bisita, papasok na ang mga ito sa malaking bukana ng resort. It was magneficent, maganda ang lugar ng Maldives. Maraming mga punong niyog at preskong tanawin mula sa mga karatig isla, katunayan, halos ng isla doon ay mga pribado at ekslusibo lang sa mga mayayamang tao. Purong puti ang buhangin doon, ang dagat nama'y 'sing linaw ng kalangitan na may natural na kulay na pinaghalong asul at berde.
Masayang naglakad sila papasok sa pavilion, doo'y isa-isang binungad sila ni Magnus at Vanna na binati silang lahat.
"We're happy to see you all, guys!" ngiti ni Vanna na naiiyak dahil sa tuwa. May kasama ang mga ito, isang batang babae na kanina pa nakikiusyoso sa kanilang lahat. Bibo ito at halatang palakaibigan.
"Hello po mga ate, mga kuya!" She waved to them as if she is owning their attention.
She is Ysay, they heard that it is Magnus' daughter, but, theres rumors that hindi naman niya ito anak.
Matapos ang pagkukwentuhan ay tinulungan na sila ng nagngangalang Alfred at ang sekretarya ni Magnus na si Roxane para sa kanilang mga kwarto. Sa bandang kaliwa ay nakahilera ang mga rowtype rooms na nakaharap sa karagatan. Dadaan sila sa isang patio kung saan may magandang garden na pinalilibutan ng magarang landscape at isang fountain kung saan may pabilog na pwedeng maupuan.
There's also flowers that incorporates the sorrounding and the natural sight of beachline that adds to perfect and serene view of morning sunshine and afternoon's sunset.
Naupo si Peruvian sa isang chaise na nasa labas ng kwarto niya, nakatingin lang siya sa karagatan habang ang iba nama'y masayang nag-iinuman sa may pool, nag-umpisa na kasi silang mag-party for the near event.
He sigh as he check his vision in his nearest sight, nasa dalampasigan sina Vanna at Paris na nag-uusap. Tila seryoso ang mga ito. He wonder if ano ang pinag-usapan ng mga ito, at bakit hindi sila sumali sa pagsasaya sa pool.
Peruvian also check somewhere, where he heard the loud laughters of Magnus ang the women that sorrounds him, nandoon sina Vittos, si Raquel, si Georgina at si Romary na nakikipagkwentuhan din.
Wala sa mood na tumayo si Peruvian saka nagtungo sa bar section, kailangan niya yatang uminom sa oras na iyon, nakukulangan siya sa tama ng alak na nainom niya sa yate. He walked near to them, narinig pa niyang tinawag siya si Vittos pero kumaway lang siya saka sumenyas na papunta siya sa bar.
Alam niyang nakatingin lang si Romary sa kaniya, but, still she stay away from him.
Nang makarating sa bar ay agad siyang kumuha ng alak sa counter table, nandoon lang kasi ito nakahilera, sakto naman at may ice bucket na nandoon kaya umupo na rin siya saka mag-isang tumungga.
Mayamaya pa ay may lumapit sa kaniya, hindi niya napansin kung sino ito dahil mula ito sa likuran niya.
"Mind if i joined you?"
BINABASA MO ANG
Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞
Teen FictionPERUVIAN FUEGO aka the MERCENARY. He is unknown. He has no details, no birthdate, no parent's information, a literal shadow that doesn't exist. He's been raised and trained to kill without mercy by his organization, held and managed by a professiona...