Chapter 32

31 2 0
                                    

Matapos magpakilala sa lahat ng tropa ni Peruvian ay nagkaroon sila ng pagsasanay. Minabuti nilang tingnan ang kakayahan ni Romary. Nagpunta sila sa isang open field at binigyan ng try out si Romary sa pamamagitan ng pagbaril nang malayuan. Gamit nito ang isang sniper rifle, at heto nga't hinihintay ang unang tira.

"Go!" sigaw ni Magnus. Nakatayo ito sa mismong gilid ng target at ilang dangkal lang ang pagitan sa target na nasa tagiliran nito.

Huminga nang malalim si Romary saka nakadipa hapang nakahawak sa baril. Tinatantya nito ang hangin. Nang kalabitin niya ang gatilyo ng armas ay saktong tumama ito sa mismong target without harming Magns' waist.

Nagsipalakpakan ang nasa taong nakasaksi sa ginawa nito. Mas humanga si Peruvian kay Romary sa oras na iyon.

"Let's proceed." Sabi ni Magnus na siyang ulo ng gagawing pagsasanay.

"Let's start." Si Romary na halatang handa sa anumang ipagawa nila.

"You must undergo a knife battle." 

"Easy." Sabi ni Romary.

"With a twist, you must do the capoeira moves." Sa narinig ay medyo ginapangan ng kaba si Romary, hindi madali ang mga galaw nito. Susunod ka sa ritmo ng kalaban at hindi rin basta-basta ang makakalaban niya, dahil ang mismong makakatunggali niya ay si Peruvian. Bihasa ito sa patalim.

"Pumwesto ka na..." saad ni Magnus sa kaniya. 

Nagpatuloy sila sa pwesto at doo'y nakita si Peruvian na naghahanda. Wala itong pang-itaas na damit at halatang pinaghahandaan ang galaw. Nang makapwesto na si Romary ay sumenyas na sina Aries at Magnus para magsimula.

"Heyyaaaa!" lusob ni Romary kasy Peruvian gamit ang kaniyang double back flip, pero mabilis ang galaw ni Peruvian ang nailagan ito. Nang makatalikod si Romary ay agad na nagslide-wift si Peruvian saka tumalon para iwasan ang patalim na patalikod na winasiwas ni Romary. Saktong nailagan niya ito sa kaniyang gadangkal na distansya mula sa kaniyang mukha. Isang patid ang ginawa ni Peruvian sa hita ni Romary para bumaluktot ang katawan nito.

"I'm sorry." Dugtong pa ng binata nang matamaan niya ang kasintahan. But, it won't take long and serious dahil mabilis na nakarecover si Romary at natamaan si Peruvian sa bandang hita, hindi naman ito tuluyang lumapat sa balat ng binata, pero sakto lang na mapunit ang suot na pantalon nito.

"That's great!" puna ni Peruvian na mas pinag-igihan ang galaw. Winawasiwas niya ang patalim sa harapan habang kapwa nila binibilogan ang gitna ng kanilang distansya. They are looking in each other like they are reading their next move. Pareho na silang pawisan sa oras na iyon. 

"Focus." Sabi ni Peruvian sa kasintahan.

"Humanda ka!" si Romary na pasulong na gumalaw para puntiryahin ang dibdib ni Peruvian, but, Peruvian bend his body enough to avoid her weapon. Napasubsob si Romary sa sahig kaya nabitawan nito ang patalim, saktong kukunin sana iyon ni Peruvian nang mabilis na hawakan ni Romary ang binti ng binata at binabibag iyon para kapwa sila mapasubsob. Nag-aagawan sila para makuha ang kanilang mga armas dahil tumilapon din ang kay Peruvian. When they both got their weapon ay kapwa nila ito itinuon sa isa't-isa. Nakatutok ang kutsilyo sa leeg ni Romary, gan'on din si Romary na nakatutok sa leeg ni Peruvian.

"Good! Good!" palakpak nilang lahat sa dalawa. Tabla ang ginawa nilang laro.

Dahan-dahang kinuha ni Peruvian ang ang kamay ni Romary at pinatayo ito. Matapos n'on ay niyakap nila ang isa't-isa at binati. Masaya sila sa nagawang laro.

"Well done," sabi ni Peruvian sa kasintahan.

"Magaling ka rin." Ngiti nito sa binata.

"Let's get back..." saway ni Magnus.

Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon