"Fuck!" litanya ni Magnus nang makita ang mga kaibigan. Kakaparada lang ng mga ito sa kaniyang mansion. Natanaw niya ang dugyot na mukha ni Vittos, may pasa ang mukha nito na tila napatrouble. Si Peruvian naman ay nanlalagkit sa suot na suit, na parang wala pa yatang laba for almost a decade. At sinundan pa ni Aries na parang dinaig pa ang hunk model dahil panay flex sa kaniyang Hermes na belt na suot.
"Anong masamang hangin ang nalanghap ninyo at bakit kayo nandito?" sita nito sa mga kaibigan.
"Magnus, i'm gonna marry Romary now. Just suit yourself and let's chop chop!"
"Chop chop ka riyan! Ni hindi ko nga alam na ikakasal ka nang animal ka!" he balled his eyes and sigh as he put his hands in his midwaist.
"Well, you know me, man. I'm a man full of surprises." Ngisi pa ni Peruvian na iwinasiwas ang kamay sa hangin.
"C'mon, nandoon na si Austin..." dugtong pa ni Peruvian sa lider nila.
Bumuntong-hininga ulit si Magnus saka muling nagsalita. "Isa pa 'yong kumag na 'yon! Makakatikim talaga kayo sa akin..." gigil na sambit nito sa kanila. Pero biglang nag-iba yata ang ihip ng hangin nang lumabas si Vanna.
"Oh hon, nariyan pala ang mga kaibigan mo, papasukin mo sila..."
Nauwi tuloy sila sa salas kung saan tahimik silang nakatingin sa isa't-isa.
"Ano bang sadya ninyo kay Magnus?" si Vanna ang nagtatanong.
"Iniimbetahan ko siya na kasal ko na mayamaya." Kalmadong sambit ni Peruvian.
Nagulat si Vanna, napalingon kay Magnus. "Ano pang tinitingin mo riyan! Magbihis ka na!" sigaw ni Vanna na parang dinidiktahan ang asawa. Natataranta naman si Magnus na agad pumanhik sa itaas.
Pigil ang tawa nilang tatlo para sa kaibigan, kung gaano ito ka-istrikto sa kanila, ay siya namang pagkabait-bait kapag nandiyan si Vanna. Sinaniban yata ng miracle of god, kung saan nawala ang sungay at nabahag ang buntot nito.
"Pasensya na kayo kay Magnus ha, medyo may topak lang 'yon..."
"We understand him, Vanna..." dugtong naman ni Aries.
"Napano 'yang mukha mo kuya Vittos?" nabaling ang tingin nilang lahat sa mukha nito. Agad siyang dinalohan ni Vanna saka pinunasan ng panyo.
"Aw, masakit!" reklamo pa nito.
Saktong pumanaog na si Magnus habang nagbubotones ng polo.
"Ikuha mo nga ako ng first aid kit, bilisan mo..." sabi pa ni Vanna sa asawa. Agad namang kumaripas si Magnus sa may kusina saka pagkabalik ay dala na ang bag ng mga gamot.
Inirapan ni Magnus ang tatlo.
"Upo ka muna riyan, gagamutin ko muna si kuya.."
"Malayo 'yan sa bituka..." mahinang saad ni Magnus.
"Kahit na...baka magka-impeksyon."
"Prone na 'yan sa bacteria." Dugtong ulit nito. Dahil sa mga pasaring ni Magnus ay huminto si Vanna saka matalim siyang tiningnan.
"Oo sige na. Tatahimik na." Awat nito sa kumander.
Nang malapatan na ni Vanna ang sugat sa mukha ni Vittos ay nagpaalam silang aalis na dahil malayo-layo pa ang byahe nila papunta sa garden reception. Hindi sumama si Vanna sa pagkakataong 'yon dahil maselan ang pagbubuntis niya sa ikalawang anak nila ni Magnus.
Habang nasa daan sila ay suot nila ang kanilang earpiece. Nang sa gan'on ay magkakausap pa rin sila kahit iba-iba ang gamit nilang sasakyan.
"Can you hear me?" si Peruvian ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞
Teen FictionPERUVIAN FUEGO aka the MERCENARY. He is unknown. He has no details, no birthdate, no parent's information, a literal shadow that doesn't exist. He's been raised and trained to kill without mercy by his organization, held and managed by a professiona...