Chapter 43

28 2 0
                                    

Agad na pinuntahan ni Peruvian si Romary sa kanilang mansion. Tiyak niyang nandoon ito dahil nandoon din ang sasakyang ginamit nito kanina. Galit na galit ang mukha niya.

"Romary!" sigaw niya sa malawak na pasilyo.

"Romary!" ulit pa niya. 

Nang mapunta siya sa kwarto ay nakita niya doon ang mahimbing na pigura ng dalaga. Natutulog ito.

"Romary! Gumising ka!" galit na sambit ni Peruvian saka kinalabit ito para makabangon.

Gulat na gulat si Romary sa oras na iyon. Sapo nito ang sariling ulo.

Nagtataka siya kung bakit galit si Peruvian sa kaniya ngayon.

"P-peruvian?"

"What? you're making insane again! Romary. You tricked me! ikaw ang kalaban ko! You did this!" naghuhurumintadong sambit ni Peruvian saka iwinasiwas ang lahat ng dokumentong nasa files niya, pati ang mga plano nila na dapat ay magkasabay nilang gagawin pa sa Poland.

"You're depriving me! Anong akala mo sa akin? Hindi ko malalaman?" Sabi pa ni Peruvian na nag-uumpisa nang magbasag ng mga adorno sa kwarto. Maging ang mga nakasabit na frames ay pinagbabasag-basag niya.

"Stop it!" sigaw ni Romary. Nanghihina ang katawan niya na parang pinatulog siya ng ilang araw.

"Fight me! C'mon! You're using that baby in your womb ha? Ginamit mo lang ako!" sigaw pa ni Peruvian na noo'y pinagsusuntok ang pader.

"Tama na! Ano ba Peruvian! Tama na sabi e!" awat ni Romary sa oras na iyon. Hindi inaasahan ni Peruvian ang nangyari dahil mabilis niyang natabing ang balikat ni Romary at iwinaksi sa kabilang banda. Dala na rin ng masamang pakiramdam, ay nawalan ng panimbang si Romary. 

Tumilapon ito sa isang banda, sanhi ng isang bagay na pagsisisihan nilang dalawa.

Hintatakot na nakapa ni Romary ang bagay na iyon sa kaniyang hita. Kulay pula iyon at alam niyang dugo ito.

"Ahhhhh!" sigaw niya sa oras na iyon. Napalingon si Peruvian na gaya niya'y nabigla sa nakita. 

"Dugo!" ulit pang sigaw ni Romary dito. 

Manhid na tiningnan ni Peruvian ang kalagayan nito sa oras na iyon.

"Peruvian! Ang anak natin!"

Peruvian remain his cold face. Never said any words about it. 

Umagos ang luha ni Romary sa oras na iyon, magkahalong galit ang nararamdaman niya para sa lalaking nakatingin lang sa kaniya.

"Help me..." sabi pa ni Romary habang namamalisbis ang luha.

"Just tell me...sino ka ba?"

Humikbi si Romary saka muling bumulahaw ng iyak. "Kailangan ko pa bang magpakilala, Peruvian? Ikaw ang mas nakakakilala sa akin. Ano ba ang gusto mong palabasin?"  Bawat sambit ni Romary ay napupuna ang sakit ng kalagayan nito.

"Please help me, i need this baby!" Romary added, kaya doon na nahimasmasan si Peruvian. Mabilis niyang kinarga si Romary saka isinilid sa kotse. Habang nasa daan sila ay ubod-lakas na pinaharurot ni Peruvian ang kotse hanggang sa makarating sila sa hospital. Nang makaabot sila sa hospital ay agad naman silang inasikaso ng mga staff.

Naguguluhan si Peruvian sa oras na iyon, bakit ngayon ay nararamdaman niyang mali ang lahat ng ginawa niya. He looked at Romary that time, trying to save their child. She's crying in pain, doing the right thing to do. Hindi niya alam kung bakit nag-iba ang konsensya niya kaysa sa babaeng kausap niya kanina sa restaurant.

He guess that he needs a rehab. Para siyang maboboang sa sandaling iyon.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. 

Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon