Chapter 33

26 2 0
                                    

Mabilis na giniba ni Peruvian ang pintuan sa mga oras na iyon, naririnig kasi niyang tila may pinagdadaanan si Romary sa loob ng banyo. Nang magiba niya iyon ay tumambad sa kaniya ang suka nito sa bowl. Nakasalampak ito sa sahig habang hawak-hawak ang bowl na parang nakasalalay ang buhay niya roon.

"What the? Anong nangyayari? May nakain ka bang hindi maganda?" tarantang saad ni Peruvian.

Sumunod na rin sa banyo sina Magnus at iba pa. Gaya niya'y nagtataka ang mga ito saka nababahala sa pangyayari. "I guess we need to take her in the hospital, baka may internal hemorrage siya," sabi pa ni Aries.

"Shut up!" supla ni Austin na matamang nakatingin sa dalaga.

"Anong nararamadaman mo, Romary?" may pag-aalala sa boses nito.

"I don't know, nasuka ako nang maamoy ang ulam, saka ang amoy ng alcohol..."

"Amoy? You mean, maselan ang pang-amoy mo?" Magnus starts to analyze. "Ganito rin ang nararamdaman ni Vanna noong nagbuntis siya. Hindi kaya...buntis ka?" tanong pa ni Magnus nang walang pag-aalinlangan.

Napahinto si Peruvian sa ginagawa saka nilingon si Romary na gan'on din ang reaksyon.

"Is it possible?" sumilay ang ngiti ni Peruvian sa oras na iyon.

"I...i...don't know." Sabi ng dalaga saka dahan-dahang tumayo. Bakas sa mukha nito ang pagkakabigla.

"Dude, don't panic! It's organic! Daddy ka na!" sabi pa ni Vittos na masayang tinapik sa balikat si Peruvian. Hindi magkamayaw si Peruvian sa oras na iyon, katunayan ay mabilis niyang niyakap si Romary saka hinalikan sa pisngi.

"I am ready...i am ready to be a daddy!" sabi pa nito saka binuhat palabas si Romary.

"Buntis na si Romary! Yes! Yes! Daddy na ako!" sabi pa nito.

"B-baka kabag lang 'yan..." sabi pa ni Austin sa gilid. Napalingon ang lahat dito.

"Alam mo, ang bitter mo, pre. Hays!" sabay-sabay na iling ng tropa rito.

Ilang sandali pa ay umalis si Austin sa pangyayari at may binili saglit. Nagpatuloy silang nagkasiyahan sa oras na iyon at napagpasyahang mag-set ng panahon para sa kanilang gaganaping pamamanhikan. Gusto ni Peruvian na mamanhikan sa poder ni Romary. He wants to take Romary's hands in Jaranilla's clan. Gusto niyang kausapin ang dalawang matanda na mismong lolo at lola niya. Nag-set din ng araw si Peruvian para makausap nang masinsinan si Charlotte at magpakilala rito. Hindi pa buo ang lahat, kailangan pa niyang gawan ng paraan para masettle niya ang kaniyang pamilya. 

Matapos ang kasiyahan ay sabay-sabay silang lumabas at pasakay na sa kani-kanilang sasakyan, nang makita nilang bumalik si Austin. Pababa ito sa kaniyang kotse at dala ang isang malaking supot.

"Wait, i just want too give you two, these..." Marahan niyang binigay kay Peruvian at Romary ang isang malaking kahon. Dalawa iyon.

Dahan-dahang kinuha nina Peruvian at Romary ang mga iyon at sabay na binuksan. Nagulat sila nang makita ang pares ng kasuotang pangkasal. Isang magandang traje de boda at ang magandang suit ng pangkasal na suit.

"Woah, wait...b-bakit mo binibigay sa'min to?" takang tanong ni Peruvian sa kasama.

"It's just, mas kailangan n'yo 'yan kaysa sa akin. It's my gift for yo guys, hangad ko ang kaligayahan ninyo." Ngumiti ito sa oras na iyon kahit pa ramdam nilang tinatago nito ang lungkot sa kaniyang mata.

Mabilis na niyakap ni Romary si Austin at hinalikan sa pisngi nito. "Thank you," she softly whispers in his ear. Naiiyak si Austin sa oras na iyon pero alam niyang masaya si Romary. Masaya na rin siyang makitang masaya ito.

Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon