Chapter 34

25 2 0
                                    

Matapos makipag-usap sa pari sa simbahan ay naramdaman ni Peruvian na mas gumaan ang pakiramdam niya. Gan'on din si Romary na hindi makapaniwalang nagawa niyang sabihin sa hindi niya kilalang tao sa likod ng nakatabing na kwarto ang lahat ng sekreto niya. It's very new to both of them. Ngayon nama'y sakay na sila ng kotse papunta sa tahanan ng mga Jaranilla. Gusto nilang kausapin ang mga ito. They must ask for their consent.

Nang makaparada sa labas ng gate ay ramdam nilang dalawa ang kaba. Alam nilang hindi madali ang gagawin nila sa oras na iyon.

"Let's go?" mahinang tanong na Romary kay Peruvian.

Dahan-dahang bumaba si Peruvian at pinagbuksan si Romary. Hawak-kamay silang pumasok sa mansion ng mga Jaranilla. Nang makapasok ay nakita nila agad ang bulto ng pigura ni Charlotte. Masama ang tingin nito kay Romary.

"Ang kapal ng mukha n'yo! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito!" akmang sasampalin sana nito si Romary nang pigilan siya ni Peruvian.

"We don't want trouble." Mahinang usal nito. Seryoso ang mukha nito.

"Bakit nagpunta rito? Para ipangalandakan ang relasyon n'yo?! Ang kapal mo tita! Hindi mo nirespeto ang daddy ko!" sigaw pa nito.

"I did loved your dad." Paliwanag ni Romary rito. 

Hindi pa nagtagal ay narinig nila ang tagaktak ng takong na nasa hagdanan. Mula iyon sa ginang at ginoong pababa na.

"Tingnan mo nga naman..." panunuyang sambit ni Don Jaranilla. Hawak nito ang sungkod at dahan-dahang bumaba.

"Bakit kayo naparito?" matigas na tanong ni Donya Jaranilla sa kanila na gaya ni Charlotte ay nanunumbat ang tingin.

"Nandito po kami para magpaalam..." si Romary.

"At ang kapal ng mukha mo para gawin 'yan!" si ginang Jaranilla.

"Umalis kayo rito, bago ko pa tawagin ang mga tauhan ko!" si ginoong Jaranilla.

"Wait, makinig po kayo..." si Peruvian ang humarang sa mga ito, gusto kasi nilang pagtulungan si Romary na noo'y umiiyak na.

"At sino ka para ipagtanggol 'yang babaeng 'yan!? ha?" 

"Magpapaliwanag po kami."

Pero bago pa man makapagsalita si Peruvian ay nahablot ni Charlotte ang buhok ni Romary at mabilis na pinagsasampal. Hindi lumaban si Romary dito.

"Walang-hiya ka! galit ako sa'yo! Wala kang utang na loob!" paulit-ulit na singhal ni Charlotte kay Romary. Inaawat naman ni Peruvian ito habang nasa likuran niya ang dalawang pasugod na mga matatanda.

"Tama na!" sigaw ni Peruvian saka bahagyang hinawi ang distansya ng lahat. Kinuha niya si Romary saka tinago sa likuran nito.

"Makinig kayong lahat! Walang kasalanan si Romary! hindi n'yo alam ang tunay na pangyayari at ang tunay na rason kung bakit siya pinakasalan ng anak ninyo, ng papa mo." Paliwanag ni Peruvian sa mga ito.

"Pinakasalan siya ng anak namin dahil pinikot niya 'to!"

"She's a litch!" dugtong pa ni Charlotte.

"Tumahimik ka!" hindi napigilan ni Peruvian na sigawan si Charlotte sa oras na iyon.

Bahagya itong natawa at nagkibit-balikat. "Ha?! Ako tumahimik? At sino ka naman? Isa ka lang estranghero na walang patutunguhan sa buhay. You're nothing!" sambit pa ni Charlotte sa oras na iyon kay Peruvian.

Nagpipigil si Peruvian na hindi makagawa ng maling hakbang pero hindi na niya nakayanang magtimpi. Isang malutong na sampal ang ginawa niya sa pisngi ng kaniyang kapatid.

Peruvian: The Criminal's Forbidden Love🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon