Three years
Inabot kami ng halos isang oras at kalahati sa pag kuha ng bagong ID dahil sa mahabang pila sa finance. Wala naman naging problema at hindi kami nabagot lalo na at tinutulungan ko si Willow mamili ng mga damit online para sa Thailand trip nila ng pamilya niya next week.
As for the man tailing us...
Noong una, nakaka-ilang pa kahit na binitawan na niya ako nang makapasok kami sa premises. Hindi ko alam kung siya ba ang sasamahan ko o si Willow. Kakausapin ko ba siya tapos ay si Willow? O mauna si Willow tapos ay siya? O kaya pumagitna ba dapat ako?
I was thinking at first if I shall start a conversation that will engage them both? Pero kung ga'non, ano naman? Dates nila? Shall I ask when their engagement will be? Kaya lang baka bumakas sa mukha ko ang pagka irita ulit?
But then bakit naman ako maiirita?
Oh yes! Syempre, ayoko tuluyang lumubog ang kaibigan ko sa sitwasyong 'to, I won't let that happen!
Sa gitna ng maramdaming pag-iisip ay natanto kong napakaiba ng lahat sa inaasahan ko.
Paanong ako ang nahihirapan kung paano sila titimbangin? Paanong ako ang naipit sa gitna?
So I stopped.
Pinabayaan ko si Tob sa likuran namin habang kami ni Willow ang magkausap. Hindi ko naman na ni-problema si Tob dahil madalas ay may katawagan siya, usapang business ang naririnig ko, kaya naging magaan din ang lahat sa huli.
Habang dumadaan ang oras ay nakasanayan ko na ang lalaki sa likuran namin. Minsan ay bibigyan ko siya ng mabilis na sulyap at matatantong kahit may katawagan siya ay sa akin pa rin siya nakatingin.
I'll glare at him... just because I wanted to annoy him... but he'll smile playfully... and I will end up not being able to take the intensity of his gaze and the smile from his lips!
I keep on checking on him, parang nanay na nag babantay ng anak.
I noticed how the girls around crane their neck just to have a second look of him. Napapailing nalang ako dahil alam ko kung anong nakikita nila, and even if he annoys me alot, I can never invalidate the fact that... he's deviously gorgeous.
"Are you sure na ayaw mo sumama?" Paninigurado ko mula kay Willow bago siya sumakay sa sasakyan nila.
I didn't want her to come because it will be really awkward... but then... ayoko naman isipin niya na date ito kaya niyaya ko pa rin siya.
Mapanuya niya akong nginitian. "No, Avery..." bulong niya. "Basta! Pupunta ako bukas sa inyo, ha?"
Isang sulyap ang ginawad niya kay Tob na may inaayos sa loob ng sasakyan niya.
"H-huh? Bakit?"
"Of course! You have to tell me everything! Kung... paanong..." She pouted her lips to point at Tobias!
Napaismid ako at umiling-iling. "Mali ka ng iniisip!"
Gusto kong sabihin na kakilala ko lang 'tong chinito na 'to, pero paano? Nakita niya kami magkayakapan kanina! Wala na akong choice kung hindi panindigan ang 'mali ka ng iniisip', at pag tinanong kung ano nga ba kami, ang isasagot ko nalang ay 'siya na ang tanungin mo,'.
Naglaro ang ngisi sa kanyang labi at bahagyang humalakhak!
"I don't believe you, Avery! Magkasabay tayong lumaki, kilalang kilala kita. This is the first time you let yourself be hugged by someone other than your brother and our friends. Tapos sasabihin mo ay mali ako ng iniisip?"
I glared at the side, walang ibang mapag buntunan ng pagka-bisto ko.
Yes, I am that person... hindi basta-basta nag papalapit ng kahit sino. Kahit sa tuwing may party na kailangan daluhan ang pamilya namin, if anyone will ask me to dance, I will always say masakit na ang paa ko o hindi kaya may hawak na akong inumin agad para kunyari busy ako uminom ng wine o kung ano man.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomanceTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.