Pahina 3

1.4K 54 18
                                    

Jacket

I messaged Willow to bring me her usual extra shirt and shorts. Kumpara sa akin ay hindi siya iniiwan ng driver niya, mas maluwag sa akin at binabalikan nalang ako kapag nag text na ako na tapos na ako at papasundo na.

With Willow... her parents are stricter kaya laging nandyan ang driver niya.

Agad naman siyang nandyan, ilang minuto lang. Kita ko pa ang kalituhan sa kanyang mga mata nang makita ako sa ga'nong estado.

"Anong nangyari sa'yo?!" Gulat na gulat niyang tanong.

Half running, lumapit siya sa akin at ni-sipat sipat ako para masigurado na ayos lang ako.

I sighed. "May nakatapon lang sa akin ng inumin, mag papalit lang ako, thanks for this."

"Okay, samahan na kita."

Nag tingin na ako kanina kung may banyo ba rito at nakakita ako sa dulo. Tinungo namin iyon at pumasok muna ako sa cubicle. Niladlad ko ang dala ni Willow na damit at halos mapa-facepalm ako nang makita ko kung anong disensyo iyon.

Magkaiba talaga kami ng fashion ni Willow. To explain it properly, she's ribbons and bags, I am caps and sunglasses.

She's girly, I am quite on the chic side.

Pinahiram niya ako nang kanyang cropped fit white shirt top na may baby pink heart sa gitna. Thank God, color black ang kanyang skirt na pinahiram... mababaliw ako kung pink din ito!

Lumabas ako at kita ko ang anticipation sa kanya!

I rolled my eyes and groaned! "Thank God your skirt is in black!"

She gave out a hearty laugh. Napatingin ako sa salamin dahil mataman siyang nakatingin doon, ngiting ngiti siya, looking so satisfied, natanto ko kung bakit— halos pareho kami ng suot.

"'To naman! Don't look so disappointed! Minsan lang naman. I should thank the person who caused your wardrobe disaster, huh? I always wish for us to match kahit wala sa beach, 'eh?"

"Oo na. Do I even have a choice? Pasalamat nalang ako."

Lumapit ako sa salamin at inayos ng kaunti ang buhok ko. Kung kanina ay nakalugay iyon, sinakop ko ito at ni-ipit-an. A low ponytail, para bumagay sa suot ko.

"This is why I miss Ritzelle, mas kasundo ko siya sa pananamit!" Aniya pa.

I miss her too...

Simula nang mangyari ang trahedyang iyon ay iniwasan na namin pag-usapan, palihim kaming gumagalaw, pakiramdam kasi namin may nakikinig parati, baka malaman ang mga galaw namin. Lalo na at wala kaming mapapagkatiwalaan, kami-kami lang.

"Well, for now, habang wala siya, we're stuck together," I said to light up the mood.

Nagkibitbalikat siya at humagikgik.

We fixed ourselves at bumalik na sa mga kaibigan namin. It was a normal dinner with them, hindi ko na rin nakita ang lalaking chinito roon. Everything was peaceful except that they keep on making fun of me because of my shirt!

Dahil doon ay ako na naman ang laman ng kanilang instagram stories! Lagi kong hinihila si Willow para takpan ako, but instead na takpan niya ako, nag mukhang picture pa iyon ng dalawang mag kaibigan na kinukuhanan ng litrato dahil matchy sila ng suot.

The days flew by again, araw na ng pag punta namin sa Taiwan. I was wearing a white cropped sweater, beneath it is my white tank top to surely make me feel warm and I paired these with my black sweatpants. Halos ga'non din ang kay Kuya Archer, he's wearing a black sweater and black sweatpants. Pareho kaming naka gazelle shoes, we both brought our headphones.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon