Boyfriend
Ang trip namin ay smooth sailing, napuntahan namin lahat ng nasa itinerary na ginawa namin ni mommy. We fed capybaras, we made our own bubble milktea, we went to Jiufen Old Street and ate a lot there, as well as bought pasalubongs, and lastly we ended our fourth day going to Shifen Old Street... kung saan nagpalipad kami ng lanterns.
Sa lantern ay pwedeng mag sulat ng mga hiling, naka iba't ibang category 'yon depende sa kulay. I really took my time writing and pouring my heart for my wishes. Puro para sa mga kaibigan at mga mahal ko sa buhay, for the safety and their peace of mind, na kung ano man ang ninanais at hinahanap ng puso nila ay makamit nila.
Nag badya ang mga luha ko habang pinapanood ang lantern na lumipad palayo, mataas, hanggang sa hindi ko na ito maabot.
Ang sarap sa pakiramdam na palayain ang mga hiling ng puso ko. I may not have something I wish for myself... but I have lots of wishes for the people around me, at habang wala pa akong magagawa para sa kanila... sana sapat muna ang mga hiling ko para sa kanila.
For our last day, tulad ng nakagawian ay wala kaming ni-set na kahit ano, pahinga lang sa hotel at pahabol na mga pasalubong kung meron man.
Hindi ako maagang nagising, it was nine o'clock in the morning when I woke up. Wala naman akong hindi pa nabibiling pasalubong kaya ayos lang. Sina mommy, daddy at kuya ay nasa baba na, nag be-breakfast. Ang sabi nila ay may mga pahabol silang bibilhin kaya maaga silang nagising.
I checked my groupchat with my friends for updates. Sa groupchat kasama si Willow ay puro memes at paalala lang para sa birthday niya ang naroroon. Nag sesend din kaming mga pictures kung ano ng ganap sa amin.
Sa isang groupchat kung saan pinag uusapan namin ang problema ni Willow naman, wala pa kaming solidong impormasyon na makakatulong sa amin para pigilan ang kasal.
Ang naiisip lang namin ay kausapin ang lalaking Lim na iyon para pakiusapan na 'wag siya pumayag... maybe... he can do something about it?
He's older... at mas malayo na ang narating niya... kaya naman baka mas papakinggan siya. Kung si Willow kasi ay alam namin na mahihirapan siya, mahigpit pa ang mga magulang niya sa kanya and she literally follows their house rules up until this day.
When I say house rules... even the worst ones... she can't even go to a convenience store alone.
Sumangayon ako sa naisip ni Anton. Ako ang kakausap doon sa lalaking Lim dahil ayon sa mga kaibigan ko ay ako raw ang pinaka persuasive sa amin at conversationalist. Kung pwede nga lang ay sabihin ko nalang na manligaw nalang siya ng Chinese, iyong mahal niya at mahal siya, para naman hindi na mahirapan ang kaibigan ko.
But I know... I have to be the kind and mellow one, paano siya makikinig kung uutusan ko nalang siya? Maybe I could talk to him about the idea of... marrying for love?
But... he's twenty-eight years old! Baka naman tawanan lang ako 'non kapag binanggit ko iyon?
He'll say, 'What do you think of me, kid? Do you think I'm stupid?'
Ugh! This is frustrating! Sa Pilipinas nalang nga ako gagawa ng script para rito.
Anton said he'll set up a meeting after Willow's birthday. Papatapusin muna namin ang birthday niya bago ang lahat, we don't want to ruin it for her.
I heard a knock on the door.
Hmm. Housekeeping?
Tumayo ako at tinungo ang pintuan. I tried to see who it was from the peephole but nobody was there.
Binuksan ko ang pintuan at luminga-linga sa paligid para tignan kung may tao pero wala akong nakita.
Maybe kids? Baka bored at nag lalaro?
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
Storie d'amoreTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.