Stinging palm
Marahas akong napabuntong hininga. It has been an hour ever since I arrived here in Kuya Archer's office pero ni isang sagot sa mga tanong ko ay wala pa siyang binigay. Puro pag iibang topic at pangangamusta sa akin ang ginawa niya.
I was being patient because I understand his curiosity about me. Ako naman ang umalis ng walang pasabi kaya naiintindihan ko siya. Hindi ko na nalaman kung paano niya nalaman ang lahat ng nangyari sa pag uusap namin ni daddy dahil nang umalis ako ay abala siya sa trabaho. I didn't bother telling him because I know he will fight about with dad at ayoko ng umabot pa roon.
Pero nauubos na ang pasensya ko...
His only answer to my 'Kuya, bakit mo iyon ginawa sa mga Lim? Can you please stop messing with them?' was...
Kamusta ka roon sa Camiguin? Were they treating you well?
Ang balita ko ay tumutulong ka sa mga Lopez, did you learn a lot? Maybe I can start a foundation named after you?
Kamusta ang school? I am sorry that I have to take advantage of the situation for me to force you to enroll again.
Kailan ka uuwi?
Ibinalita niya rin sa akin ang pag aaway nila ni daddy. Hindi raw siya sangayon sa naging desisyon ni daddy na alisin sa akin ang pribilehiyo na dala ng apelyido namin pero nang malaman niya na hiniling kong palayain ako at hayaan ako mag desisyon ay... tinantanan niya na rin si dad.
Pero base sa kwento niya ay medyo magkagalit pa rin sila ngayon. At ang tanging makakapagpabago lang daw doon ay kapag umuwi na ako.
Sinagot ko naman ang lahat ng tanong niya.
I told him that I was treated well, na marami akong natutunan doon, simple ang buhay, mababait ang mga tao, na kahit mahirap ay... naging masaya ako sa naging bunga ng desisyon ko. Na kahit wala ako sa paaralan ay nag uumapaw pa rin ang karanasan at kaalaman ko.
I understand the need to go to school but... I made him understand that my two years away weren't wasted.
I also said no about his want to start a foundation named after me. Gusto ko na magkaroon ng sariling foundation in the future pero wala pa iyon sa isip ko. At kung mangyayari man iyon ay gusto kong ako ang gumawa 'non para sa sarili ko. If I accept his offer then... para saan pa ang lahat ng pinaghihirapan ko?
About school, halos dalawang buwan na rin simula noong makapagsimula ako. Nahirapan akong mag adjust dahil nakakapanibago ang lahat. Maliban sa ibang eskwelahan ako na-enroll ay syempre... nakakapanibago na ibang mga kaklase ang nakikita ko, nakakapanibago dahil sa loob ng dalawang taon ay hindi naman ako humawak ng kahit anong libro tungkol sa kurso namin at syempre... ang dating sabay-sabay namin ginagawa ng mga kaibigan ko ay mag-isa ko nalang ginagawa.
I have classmates that became my good friends now but... dahil sa bilis ng mga araw at sa dami ng kailangan kong gawin ngayon pagkatapos ng mga klase ko ay wala na masyadong naging malapit sa akin.
But I admit... it is good to meet new people again. Like... it started to sink in that everything is part of my fresh start.
Papasok na rin ako sa susunod na buwan sa mga Lopez. Inayos pa kasi ang schedule ko at makakapasok lang ako tuwing tuesday and thursday dahil doon lamang half day ang schedule ko sa school.
Kuya Archer tried to change my mind and told me to work here in Zobel instead, pero hindi niya nagawa dahil buo na ang desisyon ko. Noon pa man sa Camiguin ay sigurado na ako. Bago pa mangyari ang lahat ng pag babago na 'to ay alam ko na ang gusto kong gawin— at iyon ay mag simula mag-isa. And if that includes starting from the bottom and working with the Lopezes who are very passionate with their charities then so be it.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomanceTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.