Lifetimes
"Drink some more, baby..." napakalambing niyang pagkakasabi.
Nakaupo ako ngayon sa passenger seat at siya naman sa driver's seat. Nasa labas na kami ng building kung saan ang unit ni Anton pero nakiusap siya na 'wag muna ako umakyat. Tumigil na ako sa pag-iyak pero hilam pa rin ang mga mata ko. Nalapatan na rin niya ng first-aid ang mga galos ko sa palad at tuhod.
I sipped on his tumbler and smiled a little before giving it back to him.
"Thank you..." mahina kong sabi.
Tinanggap niya ito at nilagay sa may cup holder.
Nakatingin lamang ako sa labas, nahihiyang tumingin sa kanya dahil sa mga kahihiyan ko ngayong gabi. Maliban sa pangit kong pag-iyak ay nadapa pa ako...
Tahimik ang buong paligid. My heart is aching but I could say... it's calmer now. Kumpara kanina ay kumalma na ito, pero nakakatakot ang pagkakalmang nararamdaman ko dahil alam kong kaunting pag pitik lang dito ay sasabog na naman ako.
"Do you have assignments?"
Umiling ako.
"Exams for tomorrow?"
Umiling ako ulit.
"Will you pull an all-nighter tonight?"
Balak ko sana... pero...
Mukhang hindi rin ako makakapag-aral ng mabuti. I don't want to commit the same mistakes as before. Noong pinipilit ko mag-aral kahit na alam kong wala ng pumapasok sa utak ko dahil sa dami ng iniisip ko. I'll study hard... forgetting that I wasn't studying smart...
Walang masama sa pag-aaral ng puspusan lalo na kung kailangan talaga ito pero dapat ay may kaakibat itong matalinong pag-aaral. Walang saysay ang paghihirap kong mag-review kung alam ko rin naman na wala ng papasok sa utak ko.
So I'll just wake up early when my mind is definitely clearer after a good sleep, then study.
Yeah... that's what I will do.
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
"I brought you groceries, wala kasi akong ginagawa kanina habang hinihintay ka..." aniya.
Walang ginagawa!
Dahil wala na siya sa kompanya nila...
Then what does he do now?
"Will you be busy tonight?" Muli niyang tanong.
Umiling lamang ako at bumuntonghininga dahil ako ang nahihirapan sa mga tanong niya. Alam kong gusto niyang pag-usapan pero nanghihina ako na maunang mag tanong.
"Then..."
His right hand reached for my cheek and caressed it using his thumb.
My heart felt that...
"Can we talk about why you cried so hard, hmm?"
Marahan akong napapikit sa pag haplos niya. It sucks to feel this way but his touch saves me...
"I know you, baby. You're a cry baby..." aniya na kina-kunot ng noo ko. "...but I know you won't cry that hard if it's solely for your wound,"
Huminga ako ng malalim at lakas loob na hinarap siya. Nanlalambot ang mga mata ko habang tinatanggap ang pagsalubong ng paningin niya. His gaze was soft and his presence in front of me was very accepting, careful and worried.
Nakita ko na kanina sa mga mata niya iyong sagot sa tanong ko pero... sa tingin ko mas mainam pa rin na itanong iyon sa personal para makasigurado at marinig ko rin.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomantizmTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.