Pahina 30

1.2K 63 28
                                    

Baby

"Goodmorning, pwity tinang!" Bati ni Ina nang makalabas ako ng kwarto kinaumagahan.

I was still a little bit groggy, pero nakapag hilamos na ako kaya medyo nasa hwisyo naman na. Athough, medyo naninibago pa ako sa lahat ng ito lalo na at unang umaga ito na hindi ako gumising sa Camiguin.

This place feels so foreign, I was expecting to feel the breeze from the trees surrounding our place back there, pero aircon ang bumungad sa akin kagising.

Both are nice, pero magkaiba ang dulot ng dalawang iyon. Camiguin gives peace, while Anton's unit gives comfortability. Magkaiba man, I still felt secured from both place.

"Hi lovelove, how was your sleep? Goodmorning!" Medyo paos ko pang sabi habang palapit ako sa kanya.

Nakaupo ito sa secured na high chair para sa mga bata. Isa ito sa mga regalo ni Koa nang bagong panganak si Willow pero ngayon-ngayon niya lang ito nagamit talaga. Willow was feeding her closely, halos laging nakakandong at gusto niya na lagi silang magkadikit, mabuti nalang ay ngayon medyo hinahayaan niya na itong mag-isa.

I understand though, binawi niya ang mga panahon na hindi siya nakakatayo pagkapanganak.

"Good po! Laaaamig!" Masayang sagot ni Ina habang pilit na inaayos ang nangangahulog na pancake mula sa kanyang bibig.

Tumayo ako sa kanyang gilid at sa kabila ko si Koa na nag aagahan na.

I directed my eyes towards Ina.

She knows how to eat alone now pero medyo magulo pa. Napansin ko na pag ga'non ay na fu-frustrate siya. She keeps on cleaning herself but will end up messier.

Pero hinahayaan pa rin namin siya kahit na mag dumi, she will eventually learn and we believe this will help her be independent. Pero once na humingi na siya ng tulong ay agaran naman namin siyang dadaluhan para matulungan. Iyon ang naging usapan namin ni Willow sa paraan ng pagpapalaki sa kanya.

"That's very nice, lovelove. The aircon is cold right? I knew you will like it!" Dagdag ko pa habang bahagyang hinahaplos ang kanyang buhok.

Tumango siya habang inaabot sa akin ang lasog-lasog na pancake na kanyang hawak.

I crouched to take some of it.

Kita kong nag ningning ang mga mata niya habang pinapanood akong ngumuya. Nang matapos ako ay muli niyang binaba ang kamay at pinagtuonan ng pansin ang pancakes.

Ina...

This child saved us. She is our light.

Matamis akong napangiti habang pinapanood siya then I moved my eyes towards Anton.

"Nasaan si Anton? Si Willow?" Tanong ko kay Koa.

Koa looked so unruly this morning. Nakatulala siya at wala pa sa sarili, nakahawak sa pandesal at tipid itong kinakain habang halos mapipikit na ang mga mata. Gulo-gulo din ang kanyang buhok.

Mukhang ginising lang ito, hah? Wala pa sa sarili.

"Lumabas lang, may kinuha sa lobby." Sagot ni Willow na kalalabas lang kung saan ang luto-an.

May hawak siyang dalawang pinggan, isang puno ng bacon at isang puno ng scrambled eggs, mayroon na rin isang basket ng pandesal sa lamesa at may isang pinggan na puno ng pancakes.

Ang dami naman ata nito?

"Don't wonder. Katulong ko si Anton mag luto at lahat iyan gusto niya."

Napaismid ako. Hindi naman namin ito mauubos lahat.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon