Chinito
"Finally... two months of summer vacation before our last year!" Masayang pahayag ni Willow nang makaupo sa tabi ko.
Nakahiga ako sa buhangin ng dalampasigan dito sa La Union, paborito namin puntahan magkakaibigan.
Nakapikit ako habang pinapakinggan ang ihip ng hangin, hampas ng alon at kwentuhan ng mga kaibigan ko. Ramdam ko rin ang hapdi ng hapon sa aking balat pero hindi ko iniinda iyon dahil madalang nalang kami maarawan sa dami ng ginagawa sa university.
"It's a good thing we came today and not during weekends, right?" Dinig kong tanong ni Koa.
I rolled my eyes under my sunglasses bago pumikit muli. Kanina niya pa ito sinasabi para asarin si Gabriel. We had a poll in our group chat kung kailan ba kami mag la-La Union. Koa suggested Tuesday to Thursday while Gabriel suggested Friday to Sunday.
Wala naman akong komento roon. I see it as a result of two different personalities. Gabriel is a party boy, friend of everyone breathing, and best in social gatherings, hindi nakakapagtaka na piliin niya ang weekends kung saan buhay na buhay ang La Union. While Koa is fun also, mas gusto niya yung kaunting tao. Kaya niya makipasabayan kay Gab pero kung siya ang papipiliin ay ayos na siya kahit kami-kami lang.
Me? I have no problem. Either. I can adjust.
"Koa!" Gab groaned.
Mabilis kong binuksan ang mata ko para masaksihan ang susunod na mangyayari dahil alam kong mag aaway na naman sila.
I pretended that I am not interested but it's fun to make fun of them inside my head.
Ni-headlock ni Gab si Koa kaya agad siya nitong ni-wrestling.
Ni-angat ko ang braso ko at tinabunan ang noo ko.
"What the fuck, Gabo?!" Daing ni Koa habang nakikipag bunuan.
"Boys... will be boys..." bulong ni Willow na napapailing nalang habang nakatukod ang magkabilang siko sa buhangin.
I smirked. "Anton, can you please quiet them? Nakakahiya." Tawag ko sa lalaking nasa kabilang gilid ko.
Napa-ahon siya sa pagkakahiga at inalis ang librong nakatabon sa mukha niya. Inangat niya ang kanyang kanang tuhod nang makaupo at pinatong doon ang braso, tinatamad niya silang tinignan at napailing nalang.
"These two..." naiinis niyang sabi bago tumayo.
I watched him grab Koa using Koa's shirt and Gab through his shoulder, bilang walang damit pangitaas si Gabriel.
"Hindi kayo titigil? Kayo mag babayad ng dinner mamaya." Mariin na banta ni Anton.
"Tsk." Irap ni Gab habang pinapagpag ang buhangin na dumikit sa kanyang balat.
Inabot ni Willow ang pamunas kay Gab na siya namang masungit na tinanggap ng huli.
"Make up, you two." Utos ni Anton habang naka talikod pa rin ang dalawa sa isa't isa.
Napangisi ako habang nakikita silang nag susungit sa isa't isa. Parang mga bata talaga.
"Tss. Sorry na. Inaasar lang naman kita eh." Unang paghingi ng tawad ni Koa.
Ganito lagi, Koa will surely lower his pride first before any of us. He is the kindest of us all, I can vouch for him. Si Gab naman ay may pagka ma-pride but... I know he will give in.
"Sorry din. Libre nalang kitang coconut ice cream doon."
See.
"Me too!" Mabilis na anyaya ni Willow.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomanceTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.